Daily Gospel - 24 Pebrero 2022


Mabuti ang asin ngunit kung tumabang ang asin, paano ninyo ito mapaaalat uli? Magkaroon kayo ng asin sa inyong sarili at mabuhay sa kapayapaan sa isa’t isa. (Marcos 9:50)

Pagbasa: Santiago 5:1-6; Salmo: Awit 49:14-20;
Mabuting Balita: Marcos 9:41-50

41 At kung may magpainom sa inyo ng malamig na tubig alang-alang sa aking pangalan dahil kay Kristo kayo, talagang sinasabi ko sa inyo na hindi siya mananatiling walang gantimpala.

42 Ngunit kung may tumisod at magpadapa sa isa sa maliliit na ito na nananalig, mas makabubuti pa para sa kanya na itapon siya sa dagat na may taling malaking bato sa kanyang leeg.

43 Kung ang kamay mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok na pingkaw sa buhay kaysa matapon sa walang hanggang apoy ng impiyerno na may dalawang kamay. 45 At kung ang paa mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok na pilay sa buhay kaysa matapon sa impiyerno na may dalawang paa. 47 At kung ang mata mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, itapon mo ito. Mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Diyos na may isang mata kaysa matapon sa impiyerno na may dalawang mata, 48 kung saan walang tigil ang mga uod sa kanila at walang kamatayan ang apoy. 49 Buburuhin nga ng apoy ang lahat.

50 Mabuti ang asin ngunit kung tumabang ang asin, paano ninyo ito mapaaalat uli? Magkaroon kayo ng asin sa inyong sarili at mabuhay sa kapayapaan sa isa’t isa.”

Mga kasulyap-sulyap ngayon: