Daily Gospel - 23 Abril 2022

 


“Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala.” (Marcos 16:15-16)

Pagbasa: Gawa 4:13-21; Salmo: Awit 118:1-21;
Mabuting Balita: Marcos 16:9-15

9 Pagkabuhay ni Jesus sa unang araw ng sanlinggo, una siyang napakita kay Maria Magdalena na mula rito’y pitong demonyo ang pinalayas niya. 10 Umalis ito at nagbalita sa mga kasama ni Jesus na noo’y umiiyak at nagluluksa. 11 Ngunit hindi sila naniwala sa kanya nang marinig nilang buhay si Jesus at napakita sa kanya.

12 Pagkatapos nito, napakita naman si Jesus sa ibang anyo sa dalawa sa kanila habang papunta sila sa labas ng bayan. 13 At pagbalik nila, ibinalita rin nila ito sa iba pa pero hindi rin naniwala ang mga ito sa kanila.

14 Sa dakong huli, nang nasa hapag ang Labing-isa, napakita sa kanila si Jesus at pinagsabihan sila dahil sa kawalang-paniwala nila at katigasan ng puso: hindi nga nila pinaniniwalaan ang mga nakakita sa kanya matapos siyang buhayin.

15 At sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkinapal. 16 Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala.”

Mga kasulyap-sulyap ngayon: