Daily Gospel - 30 Abril 2022

 

Ngunit sinabi niya sa kanila: “Ako siya; huwag kayong matakot.” (Juan 6:20)

San Pio V
Pagbasa: Gawa 6:1-7; Salmo: Awit 33:1-19;

Mabuting Balita: Juan 6:16-21


16 Nang magtakipsilim na, lumusong sa aplaya ang kanyang mga alagad, 17at pagkasakay sa bangka ay nagpakabilang-ibayo ng dagat pa-Capernaum. Dumilim na at wala pa sa kanila si Jesus: 18 at magalaw ang dagat sa malakas na ihip ng hangin.

19 Pagkasagwan nila nang may lima o anim na kilometro, napansin nilang naglalakad si Jesus sa dagat at palapit sa bangka. Nasindak sila. 20 Ngunit sinabi niya sa kanila: “Ako siya; huwag kayong matakot.” 

21 Nang isasakay na nila sa bangka, bigla namang nasa pampang na na pupuntahan nila ang bangka.  

Mga kasulyap-sulyap ngayon: