Daily Gospel - 24 Setyembre 2022


“Itanim ninyong mabuti sa inyong pandinig ang mga kataga kong ito: ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao.” (Lucas 9:44)

Pagbasa: Mangangaral 11:9-12:8; Salmo: Jeremias 90:3-17;
Mabuting Balita: Lucas 9:43-45


43 Lubos na namangha ang lahat dahil sa kadakilaan ng Diyos.

Nang lubos na nagtataka ang lahat dahil sa mga ginagawa ni Jesus, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 44 “Itanim ninyong mabuti sa inyong pandinig ang mga kataga kong ito: ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao.” 45 Hindi nila naintindihan ang pahayag na ito at nalingid ito sa kanila upang hindi nila maunawaan. At takot naman silang magtanong sa kanya tungkol sa pahayag na ito.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: