Daily Gospel - 18 Enero 2023

 

“Ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” (Marcos 3:4)

Pagbasa: Hebreo 7:1-17; Salmo: Awit 110:1-4;
Mabuting Balita: Marcos 3:1-6


1 Muling pumasok si Jesus sa sinagoga, at naroon ang isang lalaki na hindi maigalaw ang kamay, at mayroon ding gustong magsumbong tungkol kay Jesus. 2 Kaya nagmasid sila at baka pagalingin siya ni Jesus sa Araw ng Pahinga.

3 At sinabi naman niya sa taong hindi maigalaw ang kamay: “Tumindig ka sa gitna.” 4 At saka niya sila tinanong: “Ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” At di sila umimik.

5 Nalungkot si Jesus dahil sa katigasan ng kanilang puso kaya galit niyang tiningnan silang lahat, at sinabi sa lalaki: “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga ng tao ang kamay at gumaling ito.

6 Pagkalabas ng mga Pariseo, nakipagtipon sila sa mga kakampi ni Herodes para masiraan nila siya. 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: