Pagbasa: Sirac 1:1-10; Salmo: Awit 93:1-5;
Mabuting Balita: Marcos 9:14-2914 Pagbalik nila sa mga alagad, nakita nila ang napakaraming tao na nakapalibot sa mga ito at nakikipagtalo naman sa kanila ang mga guro ng Batas. 15 Namangha ang lahat pagkakita sa kanila, at tumakbo sila para batiin siya.
16 Itinanong naman niya sa kanila: “Bakit kayo nakikipagtalo sa mga ito?” 17 At sinagot siya ng isang lalaki mula sa mga tao: “Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalaki na inaalihan ng isang piping espiritu. 18 At kung hinahagip siya nito, inilulugmok siya sa lupa; nagbubula ang kanyang bibig, nagngangalit ang mga ngipin at naninigas. Hiningi ko sa iyong mga alagad na palayasin ito pero hindi nila kaya.”
19 Sumagot si Jesus: “Mga walang pananampalataya! Gaano pa katagal akong mananatili sa piling ninyo? Hanggang kailan ako magtitiis sa inyo? Dalhin siya rito sa akin.”
20 At pinalapit nila siya kay Jesus. Pagkakita sa kanya ng espiritu, pinangatog nito ang bata at inilugmok sa lupa kaya nagpagulung-gulong siya at bumubula ang bibig. 21 Tinanong naman ni Jesus ang ama: “Gaano na katagal na nangyayari ito sa kanya?” 22 At sumagot ang ama: “Mula pa sa pagkabata at madalas nga siyang inihahagis sa apoy o sa batis para patayin. Ngunit kung kaya mo, maawa ka sa amin at pakitulungan kami.”
23 Sinagot siya ni Jesus: “Ano itong ‘kung kaya mo’? Lahat ay posible sa sumasampalataya.” 24 At agad na sumigaw ang ama ng bata sa pagsasabing “Sumasampalataya ako pero tulungan mo ang maliit kong pananampalataya.”
25 Nakita ni Jesus na nagsisitakbo at lumalapit na ang mga tao kaya iniutos niya sa masamang espiritu: “Pipi at binging espiritu, inuutusan kitang lumabas sa kanya at huwag nang bumalik.”
26 Nagsisigaw ang espiritu at inilugmok ang bata sa lupa bago lumabas. At animo’y patay ang bata kaya marami ang nagsabing “Namatay.” 27 Ngunit pagkahawak ni Jesus sa kamay nito, pinabangon niya ito at pinatindig.
28 Pagkapasok ni Jesus sa bahay, tinanong siya ng mga alagad nang sarilinan: “Bakit hindi namin napalayas ang espiritu?” 29 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Sa panalangin lamang mapalalayas ang ganitong klaseng espiritu.”