Daily Gospel - 25 Abril 2023

 
“Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkinapal.” (Marcos 16:15)


San Marcos, ang Ebanghelista
Pagbasa: 1 Pedro 5:5-14; Salmo: Awit 89:2-17;Mabuting Balita: Marcos 16:15-20

15 At sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkinapal. 16 Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. 17 At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, 18 hahawakan nila ang mga ahas, at di sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.”

19 Matapos silang kausapin ng Panginoong Jesus, iniakyat siya sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. 20 At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: