Daily Gospel - 15 Mayo 2023

 

Pagdating ng Tagapagtanggol na ipadadala ko sa inyo mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan na nagmumula sa Ama, iyon ang magpapatunay tungkol sa akin. (Juan 15:26)

San Isidro Labrador
Pagbasa: Gawa 16:11-15; Salmo: Awit 149:1-9;
Mabuting Balita: Juan 15:26–16:4


26 Pagdating ng Tagapagtanggol na ipadadala ko sa inyo mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan na nagmumula sa Ama, iyon ang magpapatunay tungkol sa akin. 27 At magpapatunay din kayo sapagkat kasama ko kayo mula sa simula.

1 Sinabi ko sa inyo ang lahat ng ito upang hindi kayo matisod at mahulog. 2 Ititiwalag nila kayo sa kanilang komunidad, at may oras na sasapit na aakalain ng sinumang papatay sa inyo na pag-aalay ito ng pagsamba sa Diyos. 3 At gagawin nila ang mga ito dahil hindi nila nakilala ang Ama ni ako. 4 Kaya naman sinabi ko sa inyo ang lahat ng ito upang pagdating ng oras ay matandaan ninyong sinabi ko sa inyo ang mga ito.

Hindi ko sinabi sa inyo ang lahat ng ito mula sa simula sapagkat kasama ninyo ako. 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: