Daily Gospel - 12 Hunyo 2023

 

Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. (Mateo 5:11)

Pagbasa: 2 Corinto 1:1-7; Salmo: Awit 34:2-9;
Mabuting Balita: Mateo 5:1-12

1 Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. 2 At nagsimula siyang magturo sa kanila:

3 “Mapapalad ang mga may diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit.

4 Mapapalad ang mga nagluluksa sapagkat pagiginhawahin sila.

5 Mapapalad ang mga di-marahas sapagkat mapapasakanila ang lupain.

6 Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin sila.

7 Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawaan sila.

8 Mapapalad ang mga may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos.

9 Mapapalad ang mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. 

10 Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang Kaharian ng Langit.

11 Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang gantimpalang nasa Diyos para sa inyo. Ganito rin pinag-usig ang mga propetang nauna sa inyo.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: