‘Narito ang taong matakaw at lasenggo, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan.’ (Lucas 7:34)
San Andres Kim at San Pablo Chong |
Mabuting Balita: Lucas 7:31-35
31 “Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan, at sa ano sila katulad? 32 Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa, at nagrereklamo ang ilan sa kanila: ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo at hindi kayo sumayaw, at nang umawit naman kami ng punebre, ayaw naman ninyong umiyak.
33 Ganito rin naman ang nangyari. Dumating si Juan Bautista na hindi kumakain ng tinapay ni umiinom ng alak, at ang sabi ninyo’y ‘Nasisiraan siya ng bait!’ 34 Dumating naman ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at sinabi naman ninyong ‘Narito ang taong matakaw at lasenggo, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan.’ 35 Gayon pa ma’y nakilala ng kanyang mga anak ang Karunungan.”