Daily Gospel - 21 Setyembre 2023

 

Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga maysakit! (Mateo 9:12)

San Mateo, Apostol
at Ebanghelista
Pagbasa: Efeso 4:1-13; Salmo: Awit 19:2-5;
Mabuting Balita: Mateo 9:9-13

9 Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At tumayo si Mateo at sinundan siya. 10 At habang nasa hapag si Jesus sa bahay ni Mateo, maraming tagasingil ng buwis at iba pang makasalanan ang lumapit at nakisalo kay Jesus at sa kanyang mga alagad. 11 Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad: “Bakit kumakaing kasama ng mga makasalanan at maniningil ng buwis ang inyong guro?”

12 Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga maysakit! 13 Sige, matutuhan sana ninyo ang kahulugan ng ‘Awa ang gusto ko, hindi handog.’  Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga makasalanan.” 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: