Daily Gospel - 03 Nobyembre 2023


“Kung mahulog sa balon ang anak o ang baka ng isa sa inyo, di ba’t agad niya itong iniaahon kahit na Araw ng Pahinga?” (Lucas 14:5)

San Martin de
Porres
Unang Pagbasa: Roma 9:1-5; Salmo: Awit 147:12-20; 
Mabuting Balita: Lucas 14:1-6


1 Isang Araw ng Pahinga, pumasok si Jesus sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo para kumain, at minamanmanan naman nila siya. 2 Nasa harap niya roon ang isang taong minamanas 3 kaya nagtanong si Jesus sa mga guro ng Batas at mga Pariseo: “Puwede bang magpagaling sa Araw ng Pahinga o hindi?” 4 Hindi sila umimik kaya hinawakan ni Jesus ang maysakit, pinagaling ito at saka pinauwi.

5  Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila: “Kung mahulog sa balon ang anak o ang baka ng isa sa inyo, di ba’t agad niya itong iniaahon kahit na Araw ng Pahinga?” 6 At hindi nila siya nasagot.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: