Daily Gospel - 09 Nobyembre 2023

 

Sinagot sila ni Jesus: “Gibain n’yo ang templong ito, at ibabangon ko ito sa tatlong araw.” (Juan 2:19)

Pagtatalaga ng Basilika Laterano
Unang Pagbasa: Ezekiel 47:1-12; Salmo: Awit 46:2-9; Ikalawang Pagbasa: 1 Corinto 3:9-17; Mabuting Balita: Juan 2:13-22

13 Malapit na noon ang Paskuwa ng mga Judio, at umahon si Jesus pa-Jerusalem. 14 Natagpuan niya sa patyo ng Templo ang mga nagtitinda ng mga baka, mga tupa at mga kalapati, at ang mga nakaupong tagapalit ng pera. 15 Kaya gumawa siya ng panghagupit mula sa mga lubid, at ipinagtabuyan ang lahat mula sa Templo, pati ang mga tupa at mga baka, at isinabog ang pera ng mga tagapalit at ipinagtataob ang mga mesa. 16 At sinabi niya sa mga nagtitinda ng mga kalapati: “Alisin n’yo ang mga ito! Huwag n’yong gawing palengke ang Bahay ng aking Ama.” 17 Naalaala ng kanyang mga alagad na nasusulat: “Tinutupok ako ng malasakit sa iyong Bahay.”

18 Kaya sumagot ang mga Judio: “Anong tanda ang maipapakita mo sa amin at ginagawa mo ito?” 19 Sinagot sila ni Jesus: “Gibain n’yo ang templong ito, at ibabangon ko ito sa tatlong araw.”

20 Sinabi naman ng mga Judio: “Apatnapu’t anim na taon nang itinatayo ang templong ito, at ibabangon mo ito sa tatlong araw?” 21 Ngunit and templong katawan niya ang kanyang tinutukoy. 22 Nang ibangon siya mula sa mga patay, naalaala ng kanyang mga alagad ang sinabi niyang ito. Kaya naniwala sila sa Kasulatan at sa salitang sinabi ni Jesus.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: