Daily Gospel - 28 Oktubre 2023

Nang nag-umaga na, tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya ng labindalawa sa kanila na tinawag niyang apostol... (Lucas 6:13)


San Simon at
San Judas Tadeo,
mga Apostol
Pagbasa: Efeso 2:19-22; Salmo: Awit 19:2-5;
Mabuting Balita: Lucas 6:12-16

12 Nang panahong iyon, umakyat si Jesus sa bundok para manalangin at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. 13 Nang nag-umaga na, tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya ng labindalawa sa kanila na tinawag niyang apostol: 14 si Simon na pinangalanan niyang Pedro, si Andres na kapatid nito; si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, 15 si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinataguriang Zelota, 16 si Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iskariote na naging tagapagkanulo.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: