Hanapan ang Blog na Ito

Post Para sa Susunod na Linggo (23 Nobyembre 2025)

Daily Gospel - 31 Oktubre 2023


Katulad ito ng lebadura na kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.” (Lucas 13:21)

Pagbasa: Roma 8:18-25; Salmo: Awit 126:1-6;
Mabuting Balita: Lucas 13:18-21

18 Sinabi pa ni Jesus: “Ano ang katulad ng kaharian ng Diyos? Sa ano ito maikukumpara? 19 Tulad ito sa buto ng mustasa na kinuha ng isang tao at itinanim sa kanyang hardin: lumaki, naging parang puno at sumisilong sa kanyang mga sanga ang mga ibon ng langit.”

20 At sinabi niya uli: “Sa ano ko ikukumpara ang kaharian ng Diyos? 21 Katulad ito ng lebadura na kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.”