Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon (A)
Ebanghelyo At Mga Pagbasa Sa Linggo
“Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo.” (Mateo 28:19)
Unang Pagbasa: Gawa 1:1-11
Mahal na Teofilo: Isinalaysay ko sa aking unang aklat ang lahat ng ginawa at itinuro ni Hesus buhat sa pasimula hanggang sa araw na siya’y umakyat sa langit. Bago siya umakyat, tinagubilinan niya, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ang mga apostol na kanyang hinirang. Pagkatapos ng kanyang pagbabata, maraming ulit siyang napakita sa kanila. Sa gayon, napatunayang siya’y buhay. Napakita siya sa kanila sa loob ng apatnapung araw at nagturo tungkol sa paghahari ng Diyos.
At samantalang siya’y kasamasama pa nila, kanyang tinagubilinan sila: “Huwag muna kayong aalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi ko na sa inyo. Nagbinyag nga sa tubig si Juan, ngunit di na magtatagal at bibinyagan kayo sa Espiritu Santo.”
Kaya’t nang magkasama-sama si Hesus at ang mga alagad, nagtanong ang mga ito, “Panginoon, itatatag na ba ninyong muli ang kaharian ng Israel?” Sumagot siya, “Ang mga panahon at sandali ay itinakda ng Ama sa kanyang sariling kapangyarihan, at hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon. Ngunit bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.”
Pagkasabi nito, siya’y iniakyat sa langit samantalang nakatingin sila sa kanya; at natakpan siya ng ulap.
Habang sila’y nakatitig sa langit, dalawang lalaking nakaputi ang biglang tumayo sa tabi nila. “Mga taga-Galilea,” sabi nila, “bakit kayo narito’t nakatingala sa langit? Itong si Hesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong pag-akyat niya.”
Salmo: Awit 46
Tugon: Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog!
Magdiwang ang lahat ng mga nilikha,
pumalakpak kayong may awit at tuwa!
Bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
Ang Diyos na Poon, Kataas-taasan,
ay dakilang haring dapat katakutan.
Siya’y naghahari sa sangkatauhan.
Umakyat sa trono ang Panginoong Diyos,
hatid ng tambuling malakas ang tunog;
masayang sigawan ang ipinansuob.
Purihin ang Diyos, siya ay awitan,
awitan ang hari, siya’y papurihan!
Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa,
awita’t purihin ng mga nilikha!
Maghahari siya sa lahat ng bansa,
magmula sa tronong banal at dakila.
Ikalawang Pagbasa: Efeso 1:17-23
Mga kapatid: Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang, at ang walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya.
Ang kapangyarihan ding iyon ang muling bumuhay kay Kristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos. Kaya’t nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan. Higit ang kanyang pangalan kaysa lahat ng pangalan, hindi lamang sa panahong ito kundi pati sa darating. Ipinailalim ng Diyos sa kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng bagay, at siya ang ginawang ulo ng Simbahan. Ito ang katawan ni Kristo, ang kapuspusan niya na pumupuspos sa lahat-lahat.
Mabuting Balita: Mateo 28:16-20
Noong panahong iyon, ang Labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Hesus. Nang makita nila si Hesus, siya’y sinamba nila, bagama’t may ilang nag-alinlangan.
Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo.
Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”
Gospel Reflection
Heaven
'Yun bang nakita mo si crush tapos nakangiti siya sa 'yo o tumawag siya sa iyo para kumustahin ka. O bigla kang sinagot ng nililigawan mong dalaga matapos ang ilang taong panunuyo. Feeling mo puwede ka nang mamatay kinabukasan. Para kang nasa ibabaw ng mga ulap, tinatangay ng hangin papunta sa kanyang mga bisig. Kalerki.
Akala mo, wala ka nang pag-asang manalo sa contest na sinalihan mo o matanggap sa trabaho dahil sa mga kapalpakan mo tapos makakatanggap kang bigla ng tawag o e-mail o text message na nagsasabing nanalo ka o natanggap ka sa trabaho.
'Yung feeling na parang wala nang kalutasan ang problema mo. Hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo. Biglang darating ang isang tao na siyang ginamit ng Diyos para masolusyonan ang problema mo. All of a sudden, nakaramdam ka ng relief at matinding kaligayahan dahil na-feel mong hindi ka pala pinababayaan ni Lord.
Heaven ang feeling kapag ganito. Parang anggaan-gaan ng pakiramdam.
Ngayong linggong ito, inaalala natin ang pag-akyat sa heaven ng ating Panginoong Hesus. Kaiba ang heaven na pinuntahan ni Hesus kumpara sa mga heaven na nararamdaman natin dito sa mundo. Ang matinding kaligayahang inaalok ng mundo'y panandalian lamang samantalang walang hanggan ang sa Diyos.
Umakyat sa langit si Hesus upang ipaghanda ng puwang sa buhay na walang hanggan ang mga tapat sa Kanya. Nakaluklok Siya ngayon kasama ng Ama at ng Espiritu Santo. Muling magbabalik upang hukuman ang mga buhay at mga patay. Lagi nating inihahayag sa Banal na Misa ang ating pananampalataya sa katotohanang ito.
Sa Kanyang pagbabalik, titimbangin Niya ang mga nagawa natin sa mundo. Kung natupad ba natin ang misyong iniatang sa bawat isa sa atin, "...gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo." (Mateo 28:19-20)
Nasa itaas ang langit. At dahil malayo ito, pakiramdam tuloy ng marami sa atin ay napakalayo ng Diyos. Na wala Siyang pakialam sa ating mga tao habang pinanonood tayo mula sa malayo. Mali ang kaisipang ito dahil lagi natin Siyang kasama. Ipinangako Niya sa Ebanghelyo noong isang linggo, "dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Tagapagtanggol na magiging kasama ninyo magpakailanman. Siya ang Espiritu ng katotohanan..." (Juan 14:16-17)
Maiksi lang ang ating mga buhay. Sabi nga ng ilan, suwerte ka na kapag umabot ka sa edad na animnapu. Hindi pa kasama rito ang posibilidad ng mga aksidente. Pagnilayan natin ngayong linggo ang kaluwalhatiang naramdaman ng mga apostol habang umaakyat sa langit si Hesus at ang misyong tinanggap nila mula kay Hesus.
Kung hindi ka na magising bukas, nagawa mo na ba ang misyong ibinigay Niya sa iyo? Handa ka na bang maranasan ang totoong heaven?
Panalangin:
O aming Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, Ikaw po'y aming sinasamba at niluluwalhati. Ang Iyong kabutihan ang dahilan kung bakit kami ngayon nabubuhay. Ang kabutihan Mo rin ang dahilan kung paano kami nagkaroon ng pagkakataong makisalo sa Kaluwalhatian Mo. Ang kaisahan Ninyo ng Anak at Espiritu Santo, ang bukal ng buhay na walang hanggang ipinagkaloob ng Kordero ng Diyos.
Panginoon, sumaamin po sana ang Iyong kaharian habang kami'y namamalagi pa sa mundong ito. Maramdaman po sana namin ang pagkilos ng Espiritu Santo sa pang-araw-araw naming mga buhay. Manatili Ka po sana sa aming mga puso. Batid po naming hindi kami karapat-dapat at patuloy na naninikluhod sa Iyong pagpapatawad. Unti-unti po, gawin Mo po kaming karapat-dapat sa Iyong kaharian.
Matupad po sana namin ang utos ni Hesus na binyagan ang lahat ng tao sa mundo sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.