Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Ebanghelyo At Mga Pagbasa
Kinuha ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog.
Unang Pagbasa: Isaias 55:1-3
Ito ang sinasabi ng Panginoon:
“Narito ang tubig, mga nauuhaw. Ang mga walang salapi ay kumuha rito at bumili ng pagkain. Halikayo at bumili ng alak at gatas, bumili kayo, ngunit walang bayad. Bakit ginugugol ang salapi sa mga bagay na hindi nakabubusog? Bakit inuubos ang pera sa mga bagay na walang halaga? Makinig kayo sa akin at sundin ang utos ko at matitikman ninyo ang pinakamasarap na pagkain.
Pumarito kayo. Kayo ay lumapit at ako’y pakinggan, makinig sa akin nang kayo’y mabuhay. Ako’y may gagawing walang hanggang tipan at ipalalasap sa inyo ang pagpapalang ipinangako ko kay David.”
Salmo: Awit 145:8-9. 15-16. 17-18
Tugon: Pinakakain mong tunay
kaming lahat, O Maykapal!
Ang Panginoong D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag.
Banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas.
Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi;
sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi.
Tanging Panginoon ang inaasahan ng tanang nabubuhay,
siyang nagdudulot ng pagkain nilang kinakailangan.
Binibigyan sila nang
sapat na sapat, hindi nagkukulang;
anupat ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay.
Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa;
kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.
Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao,
sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo.
Ikalawang Pagbasa: Roma 8:35. 37-39
Mga kapatid:
Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ni Kristo? Ang paghihirap ba, ang kapighatian, ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran, ang panganib, o ang tabak?
Hindi! Ang lahat ng ito’y kayangkaya nating pagtagumpayan sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman, o ang alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos – pag-ibig na ipinadama niya sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.
Mabuting Balita: Mateo 14:13-21
Noong panahong iyon, nang marinig ni Hesus ang pagkamatay ni Juan Bautista, siya’y sumakay sa isang bangka at nag-iisang pumunta sa isang ilang na lugar. Nang mabalitaan naman iyon ng mga tao, sila’y lumabas ng bayan at lakad na sumunod sa kanya. Paglunsad ni Hesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong yaon. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila.
Nang dapit-hapon na’y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, “Ilang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. Papuntahin na po ninyo sa nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain.” “Hindi na sila kailangang umalis pa,” sabi ni Hesus. “Kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.” Sumagot sila, “Lilima po ang tinapay at dadalawa ang isda natin.” “Dalhin ninyo rito,” sabi niya.
Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao, kinuha ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at sila’y nakapuno ng labindalawang bakol ng hati-hating tinapay. May limanlibong lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata.
Gospel Reflection
Tungkol sa isang matinding paghahangad ng pagmamahal ang kanta. Mararamdaman mo sa tinig ni Bamboo at sa lyrics ang matinding kalungkutan habang pinagmamasdan ang buhay ng ibang dumaranas ng pagmamahal.
Sa Ebanghelyo natin ngayong linggo, mababasa natin kung gaano kasabik ang mga Hudyo sa Diyos. Nang marinig nila ang tungkol kay Hesus, tinungo nila ang Panginoon upang masaksihan ang Kanyang mabubuting gawa. Marami sa kanila, katulad ng maraming tao ngayon, ang naghahanap ng masusulingan. May hinihintay sila katulad ng lalaki sa kanta.
"Alone in the darkness, I am waiting for the one
While lovers wait for the sun, lay I Waiting for the one."
Sa kaso ng mga Hudyo sa ating Ebanghelyo, ang the one na hinihintay nila ay isang haring magliligtas sa kanila. Umaasam sila ng isang mesiyas na gagapi sa mga Romanong sumakop sa kanilang lupain. Siya ang inaasahan nilang muling magluluklok sa Israel sa karangalan at kalayaan para sa kaluwalhatian ng Diyos.
Maraming pagkagutom ang mga tao. Marami sa atin ang gutom sa pagkain. Ang iba nama'y gutom sa kagalingan dahil may malalang sakit. Ang iba'y gutom sa kasikatan at kapangyarihan. Ang marami nama'y gutom sa pagmamahal.
Tayo ay mga patay-gutom. Mga taong gutom sa Kanyang pagkalinga. Naghahanap tayo ng Diyos. Uhaw tayo sa Katotohanan. Naghahanap tayo ng masusulingan. Ng masasandalan. Gutom tayo.
At si Hesus lang ang makalulunas sa ating mga pagkagutom. Patuloy Siyang lumalapit sa atin. Hinihintay lang Niyang tayo rin ay lumapit sa Kanya. Hanggang kailan natin Siya ipagwawalang-bahala? Patay-gutom tayo. At si Hesus ang tinapay na nagbibigay-buhay. "Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman." (Juan 6:35)
Aming Ama, sa Iyo nagmula ang lahat ng ito, muli po naming ibinabalik ang lahat sa Iyo. Gamitin Mo po ang aming kaluluwa, ang aming lakas, ang aming isipan at puso, ang aming buong pagkatao para sa Iyong kaluwalhatian.
O Ama, pinasasalamatan Ka po namin. Lagi Ka pong nagiging mabuti sa amin. Hindi Mo po kami kailanman pinababayaan. Tinutulungan Mo po kami sa harap ng mga pagsubok na dumarating sa aming buhay. Binibigyan ng pagkakataong ipagdiwang ang mga munting kaligayahan sa aming mga buhay.
Alam po namin Panginoon, may mga pagkakataong hindi namin nakikita ang Iyong mga biyaya. Turuan po sana kami ng Espiritu Santo na makita ang lahat ng grasyang dumarating sa araw-araw. Turuan Mo po kaming kumilos muna bago magreklamo. Nasa Iyo po ang awa subalit nasa amin pa rin dapat ang paggawa.
Panginoon, hinihiling po naming gabayan po Ninyo ang aming mga lider, lalo na po ang mga Kura-paroko. Katulad ni Hesus, magawa po sana nilang akayin patungo sa Iyo ang kanilang mga kawan. Batid po naming hindi ganu'n kadali ang kanilang mga tungkulin. Hinihingi po naming gabayan silang lagi ng Espiritu Santo. Unahin po sana nila ang kapakanan ng sambayanan. Bigyan N'yo po sila ng lakas at kalusugan upang maipagpatuloy nila ang pagsunod sa Iyong kalooban
Ang lahat po ng ito sa matamis na Pangalan ni Hesu-Kristong aming Panginoon kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.
Para Sa Mga Patay-Gutom
I-share ko lang po ang song na 'to:
Sa mga na-train ko sa Panuluyan, maaring pamilyar sa kanila ang kantang ito dahil ito ang song na madalas kong gamitin kapag tina-tackle ko ang kahalagahan ng intensity sa pag-arte.
Sa Ebanghelyo natin ngayong linggo, mababasa natin kung gaano kasabik ang mga Hudyo sa Diyos. Nang marinig nila ang tungkol kay Hesus, tinungo nila ang Panginoon upang masaksihan ang Kanyang mabubuting gawa. Marami sa kanila, katulad ng maraming tao ngayon, ang naghahanap ng masusulingan. May hinihintay sila katulad ng lalaki sa kanta.
"Alone in the darkness, I am waiting for the one
While lovers wait for the sun, lay I Waiting for the one."
Sa kaso ng mga Hudyo sa ating Ebanghelyo, ang the one na hinihintay nila ay isang haring magliligtas sa kanila. Umaasam sila ng isang mesiyas na gagapi sa mga Romanong sumakop sa kanilang lupain. Siya ang inaasahan nilang muling magluluklok sa Israel sa karangalan at kalayaan para sa kaluwalhatian ng Diyos.
Maraming pagkagutom ang mga tao. Marami sa atin ang gutom sa pagkain. Ang iba nama'y gutom sa kagalingan dahil may malalang sakit. Ang iba'y gutom sa kasikatan at kapangyarihan. Ang marami nama'y gutom sa pagmamahal.
Sinabi ni Mother Teresa, “the hunger for love is much more difficult to remove than the hunger for bread.” At totoo naman ang mga salita niyang ito. Malulunasan natin ang gutom ng sikmura sa pamamagitan ng isang pirasong tinapay. Paano nga ba lulunasan ang pagkagutom sa pag-ibig?
Nilunasan ni Hesus ang mga pagkagutom ng maraming taong lumapit sa Kanya. Lumapit ang Anak ng Diyos sa mga tao at lumapit din ang mga tao sa Kanya. Hindi Niya sila binigo. Binigyan Niya sila ng bagong pag-asa. Binigyan Niya ng lunas ang kanilang mga sakit. Tinuruan Niya sila ng mga Salita ng Buhay. Pinakain Niya sila. Inalagaan Niya ang mga lumapit sa Kanya. Ipinagkaloob Niya sa kanila ang Kanyang pag-ibig.
At si Hesus lang ang makalulunas sa ating mga pagkagutom. Patuloy Siyang lumalapit sa atin. Hinihintay lang Niyang tayo rin ay lumapit sa Kanya. Hanggang kailan natin Siya ipagwawalang-bahala? Patay-gutom tayo. At si Hesus ang tinapay na nagbibigay-buhay. "Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman." (Juan 6:35)
Panalangin: