Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Ebanghelyo At Mga Pagbasa
“Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.” (Mateo 25:29)
Unang Pagbasa: Kawikaan 31:10-13.19-20.30-31
Mahirap makakita ng mabuting asawa, higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga. Lubos ang tiwala ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niya.
Pinaglilingkuran niya ang kanyang asawa habang sila’y nabubuhay, pawang kabutihan ang ginagawa at di kasamaan. Wala siyang tigil sa paggawa, hindi na halos nagpapahinga, humahabi ng kanyang lino at saka ng lana. Siya’y gumagawa ng mga sinulid at humahabi ng sariling damit. Matulungin siya sa mahirap at sa nangangailangan ay bukas ang palad.
Magdaraya ang pang-akit at kumukupas ang ganda ngunit ang babaing may takot sa Panginoon ay pupurihin ng balana. Ibunton sa kanya ang lahat ng parangal, karapat-dapat siya sa papuri ng bayan.
Salmo: Awit 127
Tugon: Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos!
Mapalad ang bawat tao na sa Diyos ay may takot,
ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,
ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.
ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,
ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.
Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga.
Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya.
Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya.
Ang sinuman kung ang Diyos buong pusong susundin,
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin,
at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem.
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin,
at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem.
Ikalawang Pagbasa: 1 Tesalonica 5:1-6
Mga kapatid: Hindi na kailangang isulat ko pa sa inyo kung kailan magaganap ang mga bagay na ito, sapagkat alam na ninyong ang pagdating ng Araw ng Panginoon ay tulad sa pagdating ng magnanakaw. Kapag sinasabi ng mga tao, “Tiwasay at panatag ang lahat,” biglang darating ang kapahamakan. Hindi sila makaiiwas sapagkat ang pagdating nito’y tulad ng pagsumpong ng pagdaramdam ng babaing manganganak.
Ngunit hindi kayo nabubuhay sa kadiliman, mga kapatid, kaya’t hindi kayo mabibigla sa Araw na yaon na darating na parang magnanakaw. Kayong lahat ay kabilang sa panig ng kaliwanagan – sa panig ng araw – hindi sa panig ng kadiliman o ng gabi.
Kaya nga, kailangang tayo’y manatiling gising, laging handa, at malinaw ang isip – di tulad ng iba.
Mabuting Balita: Mateo 25:14-30
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito:
“Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad dito: May isang taong maglalakbay, kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. Binigyan niya ng salapi ang bawat isa ayon sa kanya-kanyang kakayahan: binigyan niya ang isa ng limanlibong piso, ang isa nama’y dalawanlibong piso, at ang isa pa’y sanlibong piso. Pagkatapos, siya’y umalis.
Humayo agad ang tumanggap ng P5,000 at ipinangalakal iyon. At nagtubo siya ng P5,000. Gayon din naman, ang tumanggap ng P2,000 ay nagtubo ng P2,000. Ngunit ang tumanggap ng P1,000 ay humukay sa lupa at itinago ang salapi ng kanyang panginoon.
Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga aliping iyon at pinapagsulit sila. Lumapit ang tumanggap ng P5,000. Wika niya: ‘Panginoon, heto po ang P5,000 na bigay ninyo sa akin. Heto pa po ang P5,000 na tinubo ko.’ Sinabi sa kanya ng panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting alipin! Yamang naging tapat ka sa kaunting halaga, pamamahalain kita sa malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan!’ Lumapit din ang tumanggap ng P2,000, at ang sabi, ‘Panginoon, heto po ang ibinigay ninyong P2,000. Heto naman po ang P2,000 tinubo ko.’ Sinabi ng kanyang panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting alipin! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya pamamahalain kita sa malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan!’
At lumapit naman ang tumanggap ng P1,000. ‘Alam ko pong kayo’y mahigpit,’ aniya. ‘Gumagapas kayo sa hindi ninyo tinamnan, at nag-aani sa hindi ninyo hinasikan. Natakot po ako, kaya’t ibinaon ko sa lupa ang inyong salapi. Heto na po ang P1,000 ninyo.’ ‘Masama at tamad na alipin!’ tugon ng kanyang panginoon. ‘Alam mo palang gumagapas ako sa hindi ko tinamnan at nagaani sa hindi ko hinasikan! Bakit hindi mo iyan inilagak sa bangko, di sana’y may nakuha akong tubo ngayon? Kunin ninyo sa kanya ang P1,000 at ibigay sa may P10,000. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang aliping walang kabuluhan. Doo’y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.’ ”
Gospel Reflection
Power In The Hands Of The Weak
Isang kaibigan at kaklase ko sa kolehiyo ang nagsabi sa akin nito. Hindi ko alam kung sino ang may sabi ng nasabing quotation. Sinubukan ko itong i-google pero hindi ko makita. Pero ang quote na ito ang isa sa mga driving force sa kung sino at kung ano ako ngayon.
Tayong lahat ay binibigyan ng Diyos ng tatlong "t"-- time, treasure and talents. Nagtitiwala ang Diyos na pangangasiwaan natin ng maigi ang mga resources na ito. Hindi man tayo pantay-pantay sa mga biyayang mula sa Diyos, iisa ang inaasahan Niya mula sa atin. Gagamitin natin kung anuman ang mayroon tayo para sa kabutihan.
Kapangyarihan ang kaloob sa atin ng bawat biyayang nagmumula sa Diyos. May kalakip itong responsibilidad. Gamit ang ating God-given na freewill, inilalagay ng Diyos sa ating mga kamay ang desisyon kung paano natin gagamitin ang mga ito. Gagawa ba tayo ng mabuti o ng masama? Uunahin ba natin ang pagtulong sa iba o ang mga sarili nating kapritso?
Ibinibigay sa atin ng Diyos ang mga bagay na kaya lang nating i-manage. Kung hindi natin magawang i-manage ng maayos ang maliit na halaga, lalong hindi natin magagawang i-manage ang mas malaking yaman. Kung hindi tayo magiging responsableng mga miyembro ng ating mandated organization, lalong hindi tayo magiging responsableng opisyal. Tulad nga ng laging sinasabi sa atin sa mga catholic seminars at workshops, "a good leader is a good follower."
Ito ang dahilan kung bakit magkakaiba ang mga biyayang ipinagkakaloob sa atin ng Diyos. Subalit magkakaiba man ang mga biyaya, iisa lamang ang Espiritu Santong nagkakaloob.
Pagyamanin natin ang lahat ng kaloob Niya. Gamitin natin ito para sa Kanyang kaluwalhatian. Tandaan nating walang silbi ang kapangyarihang nasa ating mga kamay kung hindi natin ito magagamit ng maayos. Kaya humingi tayo ng paggabay mula sa Diyos upang magkaroon tayo ng sapat na lakas at karunungan upang mainam nating mapamahalaan ang Kanyang mga kaloob. Upang sa huli, makapagsulit tayo sa Panginoon at maipakita nating nagkaroon ng saysay ang mga kaloob na ipinagkatiwala Niya sa atin.
Panalangin:
Ama naming makapangyarihan sa lahat, bukal ng aming buhay at ng lahat ng biyayang hawak namin ngayon, papuri, pagsamba, pagluwalhati at pag-ibig ang kaloob namin sa Iyo. Kaming mga inangkin Mong Anak sa pamamagitan ni Kristong aming panginoon ay tumatanaw ng utang na loob sa Iyong pag-ibig at kabutihan.
Ama, pinasasalamatan po namin ang lahat mga biyayang ipinagkatiwala Mo sa amin. Magamit po sana namin ito para sa aming kabutihan at para sa kabutihan ng aming kapwa. Pamahalaan po sana namin ito ng aming buong puso at pag-iisip upang mapagyaman namin at mapalago.
Magawa po sana naming ibalik sa Iyo ang mga biyayang ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito sa kabutihan at para sa kaluwalhatian Mo. Bigyan Mo po kami ng pusong bukas-palad.
Ama, ang lahat ng ito ay hinihingi po namin sa Pangalan ni Hesus, naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.