Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ng Panginoong Hesukristo
23 Nobyembre 2025
I-click po dito para mabasa ang Ebanghelyo.
(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 24 Nobyembre 2013.)
College student ako noon nang una kong marinig sa professor namin sa Political Science 101 ang pangalan ni Niccolo Machiavelli. Isa siyang philosopher na inuugnay sa power politics. Marami siyang isinulat ukol sa politika at isa rito ang manipis na librong pinamagatang The Prince. Ang nasabing libro, dagdag pa ng professor ko, ay bedside reading umano ni yumaong Dating Pangulong Ferdinand Marcos.
