Biyernes Santo
07 Abril 2023
"Naganap na!"
Ito ang huling salitang binitiwan ni Hesus sa Ebanghelyo natin bago Siya malagutan ng hininga. Natupad na Niya ang kalooban ng Ama. Natapos na ang Kanyang paghihirap. Natubos na Niya ang sangkatauhan.

Via Crusis. Visita Iglesia. Pag-aayuno. Seven Last Words. Senakulo. Penitensya. Lenten Recollection. Mga prusisyon. Kumpisalang Bayan.
Ang mga ito man ay means to an end. Mga daan patungo sa ating ultimate goal bilang mga Katoliko-- ang buhay na walang hanggan.
Walang saysay ang mga activities na ito kung hindi tayo magkakaroon ng conversion. Kung hindi tayo magbabalik-loob at magbabagong-buhay. Kung hindi natin yayakapin ang katubusang ipinagkakaloob ni Hesus.
Tayo man ay tinatawag upang gumanap sa kalooban ng Ama. Ang makihati sa Kanyang kalbaryo. Ang pasanin ang ating krus at sumunod sa Kanya. Ibigin ang Diyos ng higit sa lahat. Ibigin ang kapwa katulad ng sarili.
Sa ating pagdiriwang ng mga Banal at Mahal na Araw, isapuso natin ang mga gawain. Isabuhay ang mga turo ni Hesus. Magkamit sana tayo ng unti-unting paglago sa ating buhay pananampalataya.
At kung matapos ang ating buhay, masabi sana natin kay Hesus, "mission accomplished!"
Naganap na!
Panalangin:
Aming Ama, gayon na lamang ang pag-ibig Mo sa amin, ipinagkaloob Mo sa Kalbaryo ang Iyong Bugtong na Anak para sa aming katubusan, sinasamba Ka namin at pinasasalamatan.
Patawarin Mo po kami sa lahat ng aming mga kasalanan. Dumating sa mundo ang liwanag subalit mas pinili naming magkubli sa kadiliman. Dumating ang kaligtasang kaloob ni Kristo subalit naging matigas ang aming ulo. Sumuway kami sa Iyong kalooban. Patawad po.
Batid po naming patuloy Ka naming sinasaktan sa tuwing makagagawa kami ng kasalanan.
Bigyan Mo po ng liwanag ang aming mga matang nabubulagan. Ibukas Mo po ang aming mga tengang bingi sa Iyong mga pagtawag. Ibukas nawa namin ang aming mga palad na sarado para sa mga kapwa naming nangangailangan. Linisin nawa ng Dugo ni Kristo ang aming mga pusong kinukublihan ng galit, inggit, kayabangan, kalungkutan, takot.
Turuan po sana kami ng Espiritu Santo na manalig kay Hesus na nagpakasakit at namatay sa krus para sa amin.
Ama, hayaan Mo pong sa landas ng Kanyang pagdurusa, makihati kami at pasanin ang aming krus. Limutin po sana namin ang aming sarili upang kamtin ang buhay na walang hanggang kaloob ng katubusang Kanyang pinagtagumpayan.
Sa pangalan ni Hesus ang Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob Mo po sa amin, Ama, ang Iyong awa at kapayapaan, kasama ng Espiritu Santo. Amen.