12 - 18 Abril 2015

“Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, walang makakakita sa paghahari ng Diyos kung hindi siya isisilang na muli mula sa itaas.” (Juan 3:3)

12-Linggo 13-Lunes 14-Martes 15-Miyerkules 16-Huwebes 17-Biyernes 18-Sabado

_________________________________________
12 Abril 2015
Ikalawang Linggo Ng Pasko Ng Pagkabuhay
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa. (Unang Pagbasa: Gawa 4:32-35; Salmo: Awit 118:2-4. 13-15. 22-24; Ikalawang Pagbasa: 1 Juan 5:1-6; Mabuting Balita: Juan 20:19-31)

“Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.” (Juan 20:27)

_________________________________________

13 Abril 2015
Unang Pagbasa: Gawa 4:23-31; Salmo: Awit 2:1-9;
Mabuting Balita: Juan 3:1-8

1 May isang taong kabilang sa mga Pariseo – Nicodemo ang pangalan niya – pinuno siya ng mga Judio. 2 Isang gabi, pinuntahan niya si Jesus at sinabi sa kanya: “Rabbi, alam namin na guro kang galing sa Diyos. Sapagkat walang makagagawa ng mga tandang ginagawa mo kung hindi sumasakanya ang Diyos.”

3 Sumagot si Jesus sa kanya: “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, walang makakakita sa paghahari ng Diyos kung hindi siya isisilang na muli mula sa itaas.” 4 Sinabi sa kanya ni Nicodemo: “Paano maisisilang ang isang taong matanda na? Di ba’t hindi siya makapapasok sa sinapupunan ng kanyang ina para isilang uli?”

5 Sumagot si Jesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, walang makapapasok sa kaharian ng Diyos kung hindi siya isisilang mula sa tubig at Espiritu. 6 Laman ang isinilang mula sa laman, at espiritu ang isinilang mula sa Espiritu. 7 Huwag kang magtaka dahil sinabi ko sa iyong kailangan kayong isilang mula sa itaas.

6 Umihip ang hangin kung saan nito nais, at naririnig mo ang ihip nito pero hindi mo alam kung saan ito galing at kung saan ito patungo. Gayon din nga ang bawat isinilang mula sa Espiritu.”

14 Abril 2015
Unang Pagbasa: Gawa 4:32-37; Salmo: Awit 93:1-5;
Mabuting Balita: Juan 3:7-15

7 Huwag kang magtaka dahil sinabi ko sa iyong kailangan kayong isilang mula sa itaas.

6 Umihip ang hangin kung saan nito nais, at naririnig mo ang ihip nito pero hindi mo alam kung saan ito galing at kung saan ito patungo. Gayon din nga ang bawat isinilang mula sa Espiritu.”

9 Sumagot sa kanya si Nicodemo: “Paano pupuwede ang mga ito?” 10 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ikaw ang guro ng Israel at hindi mo alam ang mga ito?

11 Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo: ang alam namin ang aming sinasabi at ang nakita namin ang aming pinatutunayan, at hindi naman n’yo tinatanggap ang aming patunay. 12 Mga bagay na nga sa lupa ang sinasabi ko sa inyo at hindi kayo naniniwala, kaya paano kayo maniniwala kapag mga bagay sa langit ang sasabihin ko sa inyo. 13 Walang umakyat sa langit maliban sa bumaba mula sa langit – ang Anak ng Tao.

14 At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa disyerto, gayundin dapat itaas ang Anak ng Tao 15 upang magkaroon ng buhay magpakailanman ang bawat nananalig sa kanya.

15 Abril 2015
Unang Pagbasa: Gawa 5:17-26; Salmo: Awit 34:2-9;
Mabuting Balita: Juan 3:16-21

16 Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kayat ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang hindi na mawala ang bawat nananalig sa kanya kundi magkaroon ng buhay magpakailanman.

17 Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya. 18 Hindi hinuhukuman ang nananalig sa kanya. Ngunit hinu-kuman na ang hindi nananalig pagkat hindi siya nananalig sa Ngalan ng bugtong na Anak ng Diyos.

19 Ito ang paghuhukom: dumating sa mundo ang liwanag pero mas minahal pa ng mga tao ang karimlan kaysa liwanag sapagkat masasama ang kanilang gawa. 20 Ang gumagawa ng masama’y napopoot nga sa liwanag at hindi lumalapit sa liwanag, at baka malantad ang kanyang mga gawa. 21 Lumalapit naman sa liwanag ang gumagawa ng katotohanan upang mabunyag na sa Diyos ginagawa ang kanyang mga gawa.

16 Abril 2015
Unang Pagbasa: Gawa 5:27-33; Salmo: Awit 34:2-20;
Mabuting Balita: Juan 3:31-36

31 Walang kapantay ang naparirito mula sa itaas. Makalupa naman ang mula sa lupa at makalupa rin ang sinasabi niya. Walang kapantay ang naparirito mula sa langit. 32 Pinatutunayan niya ang kanyang nakita at narinig ngunit wala ngang tumatanggap sa kanyang patunay. 33 Pinagtibay naman ng tumanggap sa kanyang patunay na totoo ang Diyos. 34 Sinasabi nga ng sinugo ng Diyos ang mga salita ng Diyos sapagkat walang sukat na ibinibigay sa kanya ang Espiritu. 35 Mahal nga ng Ama ang Anak, at ipinagkatiwala sa kanyang mga kamay ang lahat. 36 May buhay magpakailanman ang nananalig sa Anak. Hindi naman nakikita ng ayaw manalig sa Anak ang buhay kundi namamalagi sa kanya ang galit ng Diyos.

17 Abril 2015
Unang Pagbasa: Gawa 5:34-42; Salmo: Awit 27:1-14;
Mabuting Balita: Juan 6:1-15

1 Pagkatapos nito, nagpunta si Jesus sa kabilang ibayo ng dagat ng Galilea sa may Tiberias. 2 Sinusundan siya ng makapal na tao dahil napansin nila ang mga tandang ginagawa niya sa mga maysakit. 3 Umahon si Jesus sa bundok at naupo siya roon kasama ang kanyang mga alagad. 4 Malapit na ang Paskuwa na piyesta ng mga Judio.

5 Kaya pagkatunghay ni Jesus at pagkakita niyang marami ang taong pumupunta sa kanya, sinabi niya kay Felipe: “Saan kayo makabibili ng tinapay para makakain ang mga ito?” 6 Sinabi niya ito bilang pagsubok sa kanya dahil alam na niya kung ano ang napipinto niyang gawin. 7 Sumagot sa kanya si Felipe: “Dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila para makakuha ng tigkakaunti ang bawat isa.”

8 At sinabi naman sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad na si Andres na kapatid ni Simon Pedro: 9 "May maliit na bata rito na may limang tinapay na sebada at dalawang isda. Ano ito para sa pagkarami-raming tao?”

10 Madamo sa lugar na iyon kaya sinabi ni Jesus: “Paupuin n’yo ang mga tao.” Kaya nag-upuan sila, halos limanlibo ang mga lalaki.

11 Kaya kinuha ni Jesus ang mga tinapay at pagkapagpasalamat, at ipinabigay sa mga nakaupo. Gayundin naman sa mga isda – gaano man ang gustuhin nila. 12 Nang busog na sila, sinabi niya sa kanyang mga alagad: “Tipunin ninyo ang natirang mga piraso para walang masayang.” 13 Kaya tinipon nila ang mga tira ng mga pinakain, at labindalawang bakol ang napuno ng mga pira-piraso mula sa limang tinapay na sebada.

14 Pagkakita sa tandang ginawa ni Jesus, sinabi ng mga tao: “Ito ngang talaga ang Propeta parating sa mundo.” 15 At alam ni Jesus na parating sila upang agawin siya para gawing hari kaya lumigpit siyang muli na siya lamang mag-isa sa bulubundukin.

18 Abril 2015
Unang Pagbasa: Gawa 6:1-7; Salmo: Awit 33:1-19;
Mabuting Balita: Juan 6:16-21

16 Nang magtakipsilim na, lumusong sa aplaya ang kanyang mga alagad, 17at pagkasakay sa bangka ay nagpakabilang-ibayo ng dagat pa-Capernaum. Dumilim na at wala pa sa kanila si Jesus: 18 at magalaw ang dagat sa malakas na ihip ng hangin.

19 Pagkasagwan nila nang may lima o anim na kilometro, napansin nilang naglalakad si Jesus sa dagat at palapit sa bangka. Nasindak sila. 20 Ngunit sinabi niya sa kanila: “Ako siya; huwag kayong matakot.” 

21 Nang isasakay na nila sa bangka, bigla namang nasa pampang na na pupuntahan nila ang bangka. 

12-Linggo 13-Lunes 14-Martes 15-Miyerkules 16-Huwebes 17-Biyernes 18-Sabado

Mga kasulyap-sulyap ngayon: