Proof Of Life


Ikatlong Linggo Ng Pasko Ng Pagkabuhay
18 Abril 20
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa.

(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 19 Abril 2015.)


Is there doubt in your heart?

____ is powerful than God.
____ is worse than evil. 
If you eat ____, you'll die. 
What is the seven-letter word?

Napaka-tricky ng question/puzzle na ito. Ina-address nito ang isa sa pinakamalalang sakit ng isang mananampalataya; ang pagduruda. 

Doubt. Pag-aalinlangan. Pagduruda. Pag-aagam-agam. 

Paano natin ibabahagi ang isang bagay na wala sa atin. How can we share Jesus if He is not within us? Paano natin ibabahagi sa iba ang pananampalataya sa Kanya kung tayo sa sarili natin ay nagduruda sa Kanya?

Sinasagot ng ating Ebanghelyo ngayong linggo ang isa sa pinakamahalagang issue ng ating pananampalataya. Ang muling pagkabuhay ng ating Panginoong HesuKristo. 

Maraming doubters ang magtatanong; talaga bang nabuhay si Hesus? Hindi kaya nagha-hallucinate lang ang mga alagad nang makita Siya? Hindi kaya multo ang kanilang nakita? Hindi kaya nanaginip lamang sila?

Maliwanag ang sinabi ni Hesus, "tingnan ninyo ang aking kamay at paa, ako nga ito. Hipuin ninyo ako at pagmasdan. Ang multo’y walang laman at buto, ngunit ako’y mayroon, tulad ng nakikita ninyo." At sa pamamagitan nito, napatunayan ng mga apostol na nabuhay nga Siya.

Hindi isang multo ang nakita nila. Hindi isang ilusyon. Hindi sila nananaginip lamang. Lalo itong pinagtibay nang kumain Siya ng kaputol ng isdang inihaw na ibinigay ng mga alagad.

Nabuhay si Hesus. Inalis Niya ang anumang pagduruda sa Kanyang mga alagad. Inalis Niya ang anumang pagdurudang puwedeng sumaisip natin.

Namatay si Hesus sa marahas na paraan upang muling mabuhay sa ikatlong araw. Sa Kanyang pangalan, "ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem." -- mula sa mga alagad.

Maging buhay na saksi ng Kanyang muling pagkabuhay. Ibahagi natin ang Mabuting Balita ng kaligtasan sa mga taong nag-aalinlangan pa. 

Is there still doubt in your heart?

Panalangin:

O aming Ama, aming manlilikha at Diyos, sambahin, purihin at pasalamatan Ka ng aming kaluluwa sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Hilumin Mo ang aming isipan at damdamin. Tanggalin Mo ang aming mga pag-aalinlangan. Turuan Mo po kaming laging magtiwala sa Iyo.

Nabuhay si Hesus! Ngayo'y kasama Mo Siya! Muli Siyang babalik sa wakas ng panahon!

Gamitin Mo po kami. Ang aming talento, panahon at kayamanan ay ipinagkakaloob namin sa Iyo. Sa pamamagitan nito, bitbit ang wagas na pananampalataya sa muling pagkabuhay ni Hesus, maabot po sana Niya ang lahat ng tao sa mundo. Lalo na po ang mga taong nag-aalinlangan pa sa Kanya.

Makita po sana sa aming pamumuhay ang pananampalataya namin kay Hesus. Maging inspirasyon po sana kami sa mga bagong mananampalataya.

Ang lahat ng ito sa pangalan ni Hesus, kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.



Mga kasulyap-sulyap ngayon: