Ikatlong Linggo ng Adbiyento
12 Disyembre 2021
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa.
(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 13 Disyembre 2015)
Luma na ang 30-seconder tv commercial na nasa itaas pero ramdam ko pa rin ang impact nito sa tuwing mapapanood ko. Naiisip ko ang mga taong nasasalubong at nakakasama ko sa araw-araw. Paano ko ba sila tinatrato?
Sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, isinisiwalat sa atin ang mga katuruan ni San Juan Bautista. Kung paano Niya inihanda ang daraanan ng Panginoon.
Hinimok niyang magbalik-loob sa Diyos ang mga Israelita. Hindi pagbabalik-loob na hanggang sa salita lamang kundi isang pagbabagong makikita sa gawa at sa pang-araw-araw na buhay.
At ito ang diwa ng Pasko. Pagbabalik-loob sa Diyos. Pagpapatawad. Paghingi ng tawad. Pagbabahagi. Pagmamahal. Paggawa ng mabuti.
Hindi ito dahil sa uso lang ang maging mabait kapag Pasko. Hindi ito dahil sa pagmamaganda o pagpapapogi sa harap ng maraming tao. Ito ay nakaugat sa pag-ibig ng Diyos at sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.
Dahil nakikita natin si Hesus sa kapwa nating nangangailangan at umaasa tayong makita rin nila si Hesus sa ating pagbabahagi. Na makita si Hesus sa pang-araw-araw nating buhay. Na katulad ng pagpapakumbaba ni San Juan Bautista, tayo'y mga lingkod lamang Niya, "ni hindi (tayo) karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang panyapak".
Ngayong Linggo, hinihimok tayo ng ating Simbahang maging maawaing katulad ng ating Amang Diyos. Ipadama natin sa ating kapwang hindi sila pinababayaan ng Diyos. Na ginagamit Niya ang mga katulad natin upang ipadama ang Kanyang pag-ibig.
Lagi nating naririnig ang kasabihang there is joy in giving. Totoo ito lalo na kung iisipin nating there is joy in giving because Jesus is in giving.

Panalangin:
Aming Amang bukal ng dalisay at wagas na awa, pinupuri Ka po namin at sinasamba. Turuan Mo po kaming maging maawaing katulad Mo.
Dahil sa Iyong kabutihan, niloob Mong isilang si Hesus sa isang sabsaban upang makipamayan sa amin. Tulungan Mo po kaming ihanda ang aming mga sarili sa aming pag-alaala sa unang Pasko.
Turuan Mo po kaming magmahal. Turuan Mo po kaming magpatawad at humingi ng tawad. Magawa po sana naming ipadama sa iba ang pag-ibig Mo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga blessings na tinatanggap namin mula sa Iyo.
Maunawaan po sana naming higit sa mga materyal na bagay, matutunan po sana naming ibahagi Ka sa iba. Magawa po sana naming ipahayag sa mundong minsang hinubad ni Hesus ang Kanyang pagka-Diyos para sa sangkatauhan.
Sa panalangin ni San Jose at ni Birheng Maria, ang lahat ng ito'y idinadalangin namin sa Pangalan ni Hesus, na pinaghandaan ng madaraanan ng Iyong lingkod na si San Juan Bautista, na kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.