“... Ang may gustong maging dakila, siya ang maging lingkod ninyo; ang may gustong mauna sa inyo, siya ang maging alipin ninyo.” (Mateo 20:26-27)
24 Hulyo 2016
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
(I-click ang larawan)
“Kung kayo’y mananalangin, ganito ang sabihin ninyo: ‘Ama, sambahin nawa ang ngalan mo....” (Lucas 11:2)
Apostol Santiago, anak ni Zebedeo |
Pagbasa: 2 Corinto 4:7-15; Salmo: Awit 126:1-6;
Mabuting Balita: Mateo 20:20-28
20 Lumapit noon kay Jesus ang ina nina Jaime at Juan kasama ng dalawa niyang anak, at lumuhod sa harap niya para makiusap. 21 Tinanong siya ni Jesus: “Ano ang ibig mo?” At sumagot siya: “Narito ang dalawa kong anak. Iutos mong maupo ang isa sa iyong kanan at ang isa naman sa iyong kaliwa sa iyong Kaharian.”
22 Sinabi ni Jesus sa magkapatid: “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Maiinom ba ninyo ang kalis na iinumin ko?” Sumagot sila: “Kaya namin.” 23 Sumagot si Jesus: “Totoong iinom din kayo sa aking kalis, ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa. Para sa mga hinirang ng Ama ang mga lugar na iyon.”
24 Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila sa magkapatid. 25 Kaya tinawag sila ni Jesus at sinabi: “Alam ninyo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapangyarihan. 26 Hindi naman ganito sa inyo: ang may gustong maging dakila, siya ang maging lingkod ninyo; 27 ang may gustong mauna sa inyo, siya ang maging alipin ninyo. 28 Gayundin naman, dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pantubos sa marami.”
San Joaquin at Sta. Ana, mga magulang ni Birheng Maria |
Pagbasa: Sirac 44:1-15; Salmo: Awit 132:11-18;
Mabuting Balita: Mateo 13:16-17
16 Ngunit mapapalad ang inyong mga mata na nakakakita at ang inyong mga tainga na nakakarinig.
17 Sinasabi ko nga sa inyo na maraming propeta at mabubuting tao ang may gustong makita ang nakikita ninyo ngayon pero hindi nila nakita, at marinig ang inyong naririnig pero hindi nila narinig.
Pagbasa: Jeremias 15:10-21; Salmo: Awit 59:2-18;
Mabuting Balita: Mateo 13:44-46
44 Naihahambing ang kaharian ng Langit sa kayamanang nakatago sa isang bukid. Kung may makakita nito, ibabaon niya ito uli; at dahil sa kanyang kaligayahan, ipinagbibili niya ang lahat niyang ari-arian, at binibili niya ang bukid.
45 Naihahambing din naman ang kaharian ng Langit sa isang negosyanteng naghahanap ng magagandang perlas. 46 Pagkakita niya ng isang perlas na napakalaki ang halaga, umalis siya at ipinagbili ang lahat niyang ari-arian at binili ang perlas.
Pagbasa: Jeremias 18:1-6; Salmo: Awit 146:1-6;
Mabuting Balita: Mateo 13:47-53
47 Naihahambing din ang kaharian ng Langit sa isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng kung anu-ano. 48 Nang puno na ang lambat, hinila ito papunta sa pampang. At saka naupo ang mga tao at tinipon ang mabubuting isda sa mga timba at itinapon ang mga walang kuwenta. 49 Ganito ang mangyayari sa katapusan ng mundo. Lalabas ang mga anghel para ihiwalay ang masasama sa mabubuti; 50 at itatapon sila sa nagliliyab na pugon kung saan may iyakan at pagngangalit ng mga ngipin.”
51 At itinanong ni Jesus: “Nauunawaan ba ninyo ang lahat ng ito?” “Oo,” ang sagot nila. 52Kaya sinabi niya sa kanila: “Kaya bawat guro ng Batas na tinuruan tungkol sa Kaharian ay katulad ng isang ama ng tahanan na may tabihan, at laging may bago at luma sa tuwing kukuha siya.”
53 Nang matapos ni Jesus ang mga talinhagang ito, umalis siya sa lugar na iyon.
Sta. Marta ng Betania |
Pagbasa: Jeremias 18:1-6; Salmo: Awit 146:1-6;
Mabuting Balita: Lucas 10:38-42
38 Sa kanilang paglalakbay, pumasok si Jesus sa isang nayon at pinatuloy siya ng isang babaeng nagngangalang Marta. 39 May kapatid siyang babae na tinatawag na Maria. Naupo ito sa may paanan ng Panginoon at nakikinig sa kanyang salita. 40 Abalang-abala naman si Marta sa mga pagsisilbi kaya lumapit siya at sinabi: “Panginoon, hindi mo ba napapansing pinabayaan ako ng aking kapatid na babae na magsilbing mag-isa? Pakisabi mo naman sa kanya na tulungan ako.”
41 Sumagot sa kanya ang Panginoon: “Marta, Marta, abala ka’t balisa sa maraming bagay; 42 isa lang naman ang kailangan. Pinili nga ni Maria ang mainam na bahagi na hindi kukunin sa kanya.”
San Pedro Crisologo |
Pagbasa: Jeremias 26:11-24; Salmo: Awit 69:15-34;
Mabuting Balita: Mateo 14:1-12
1 Nang panahong iyon, umabot kay Haring Herodes ang katanyagan ni Jesus. 2 At sinabi niya sa kanyang mga kasambahay: “Si Juan Bautista siya. Nabuhay si Juan mula sa mga patay kaya nagkakabisa sa kanya ang makalangit na kapangyarihan.”
3 Si Herodes nga ang nagpahuli kay Juan, at nag-utos na ikadena ito at ikulong dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe. 4 Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes: “Hindi mo siya puwedeng maging asawa.” 5 Talaga ngang gusto ni Herodes na patayin siya, pero takot siya sa mga tao na kumikilala kay Juan bilang isang propeta.
6 Kaarawan ni Herodes at nagsayaw ang anak na babae ni Herodias, at nasiyahan si Herodes sa kanya. 7 Kaya sinumpaan niya ang isang pangako na ibibigay sa kanya ang anumang hingin niya. 8 At sinabi ng babae ayon sa turo ng kanyang ina: “Ibigay mo rito sa akin ang ulo ni Juan Bautista sa isang bandeha.”
9 Nasaktan ang hari ngunit napanumpaan na niya ang pangako sa harap ng mga bisita kaya iniutos niya na ibigay iyon sa kanya. 10 At pinapugutan niya ng ulo si Juan sa kulungan; 11 inilagay sa isang plato ang kanyang ulo at ibinigay sa babae, at dinala ito ng babae sa kanyang ina.
12 At pagkatapos ay dumating naman ang mga alagad ni Juan at kinuha ang kanyang katawan at inilibing. At pagkatapos ay ibinalita ito kay Jesus.
|
|
|
|
|
|
|