“Walang nagsisindi ng ilawan at tinatakpan ito ng palayok o inilalagay sa ilalim ng higaan. Ipinapatong ito sa patungan para makita ng mga pumapasok ang liwanag.” (Lucas 8:16)
|
|
|
|
|
|
|
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
(I-click ang larawan)
“Kaya’t sinasabi ko sa inyo: gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito’y may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan.” (Lucas 16:9)
San Jenaro |
Pagbasa: Kawikaan 3:27-34; Salmo: Awit 15:2-5;
Mabuting Balita: Lucas 8:16-18
16 Walang nagsisindi ng ilawan at tinatakpan ito ng palayok o inilalagay sa ilalim ng higaan. Ipinapatong ito sa patungan para makita ng mga pumapasok ang liwanag. 17 Walang nalilihim na di mabubunyag ni natatakpan na di mahahayag at malalantad. 18 Kayat isip-isipin ninyo ang inyong naririnig dahil bibigyan pa nga ang mayroon at ang walang-wala naman, kahit na ang akala niyang kanya, ay aagawin sa kanya.”
San Andrew Kim Taegon, San Paul Chong Hasang at mga kasama |
Pagbasa: Kawikaan 21:1-13; Salmo: Awit 119:1-44;
Mabuting Balita: Lucas 8:19-21
19 Pinuntahan naman siya ng kanyang ina at mga kapatid pero hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao. 20 May nagsabi sa kanya: “Nakatayo sa labas ang iyong ina at mga kapatid, at gusto kang makita.” 21 Sumagot siya at sinabi sa kanila: “Ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at nagsasagawa nito, sila ang aking ina at aking mga kapatid.”
San Mateo, Apostol at Ebanghelista |
Pagbasa: Efeso 4:1-13; Salmo: Awit 19:2-5;
Mabuting Balita: Mateo 9:9-13
9 Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At tumayo si Mateo at sinundan siya. 10 At habang nasa hapag si Jesus sa bahay ni Mateo, maraming tagasingil ng buwis at iba pang makasalanan ang lumapit at nakisalo kay Jesus at sa kanyang mga alagad. 11 Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad: “Bakit kumakaing kasama ng mga makasalanan at maniningil ng buwis ang inyong guro?”
12 Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga maysakit! 13 Sige, matutuhan sana ninyo ang kahulugan ng ‘Awa ang gusto ko, hindi handog.’ Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga makasalanan.”
Pagbasa: Mangangaral 1:2-11; Salmo: Awit 90:3-17;
Mabuting Balita: Lucas 9:7-9
7 Nabalitaan naman ng tetrarkang si Herodes ang lahat ng pangyayaring ito at litung-lito siya dahil may nagsasabing nabuhay mula sa mga patay si Juan. 8 Sinabi naman ng iba na nagpakita si Elias, at ng iba pa na isa sa mga propeta noon ang bumangon. 9 At sinabi ni Herodes: “Pinapugutan ko si Juan; sino nga kaya itong nababalitaan kong gumagawa ng mga iyon?” Kaya sinikap niyang makita siya.
Pagbasa: Mangangaral 3:1-11; Salmo: Awit 144:1-4;
Mabuting Balita: Lucas 9:18-22
18 Minsan, mag-isang nagdarasal si Jesus at naroon din ang mga alagad. Tinanong niya sila: “Sino raw ako ayon sa sabi ng mga tao?” 19 Sumagot sila: “Si Juan Bautista raw; may iba namang nagsasabing ikaw si Elias at may iba pang nagsasabi na isang propeta noong una ang nabuhay.”
20 At sinabi ni Jesus sa kanila: “Ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” Sumagot si Pedro: “Ang Mesiyas ng Diyos.” 21 At inutusan sila ni Jesus na huwag sabihin ito kaninuman.
22 Sinabi nga ni Jesus: “Kailangang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw.”
Pagbasa: Mangangaral 11:9–12:8; Salmo: Awit 90:3-17;
Mabuting Balita: Lucas 9:43-45
43 Lubos na namangha ang lahat dahil sa kadakilaan ng Diyos.
Nang lubos na nagtataka ang lahat dahil sa mga ginagawa ni Jesus, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 44 “Itanim ninyong mabuti sa inyong pandinig ang mga kataga kong ito: ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao.” 45 Hindi nila naintindihan ang pahayag na ito at nalingid ito sa kanila upang hindi nila maunawaan. At takot naman silang magtanong sa kanya tungkol sa pahayag na ito.
|
|
|
|
|
|
|