(Sulat, Salmo - Aleluya at Mabuting Balita)
Ebanghelyo At Mga Pagbasa
Mahal Na Araw 2018
“Hinahanap ninyo si Hesus, ang taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito - siya'y muling nabuhay!” (Marcos 16:6)
Mga kapatid: Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabinyagan kay Kristo Hesus ay nabinyagan sa kanyang kamatayan? Samakatwid, tayo’y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng binyag upang kung paanong binuhay na muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama’y mabuhay sa isang bagong pamumuhay.
Sapagkat kung nakaisa tayo ni Kristo sa isang kamatayang tulad ng kanyang kamatayan, tiyak na makakaisa niya tayo sa isang muling pagkabuhay tulad ng kanyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama niya upang mamatay ang makasalanang katawan at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Ngunit tayo’y naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni Kristo kung namatay tayong kasama niya. Alam nating si Kristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan. Nang siya’y mamatay, namatay siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang buhay niya ngayo’y para sa Diyos. Kaya dapat ninyong ibilang ang inyong sarili na patay na sa kasalanan datapwat buhay naman para sa Diyos sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus.
Salmo: Awit 117
Tugon: Aleluya! Aleluya! Aleluya!
O pasalamatan ang D’yos na Panginoon, pagkat siya’y mabuti;
ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili.
Ang taga-Israel, bayaang sabihi’t kanilang ihayag,
“Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kukupas.”
Ang lakas ng Poon, ang siyang nagdulot ng ating tagumpay
sa pakikibaka sa ating kaaway.
Aking sinasabing di ako papanaw, mabubuhay
ako upang isalaysay ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.
Ang batong natakwil ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,
sa lahat ng bato’y higit na mahusay.
Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos.
Kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod.
Mabuting Balita: Marcos 16:1-7
Pagkaraan ng Araw ng Pamamahinga, si Maria Magdalena, si Mariang ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng pabango upang ipahid sa bangkay ni Hesus. At nang Linggo ng umaga, pagsikat ng araw, sila'y nagpunta sa libingan. Nag-uusap-usap sila habang daan: "Sino kaya ang ating mapakikiusapang magpagulong ng batong nakatakip sa pintuan ng libingan?" Napakalaki ng batong iyon kaya gayon ang sabi nila. Ngunit nang tanawin nila ang libingan, nakita nilang naigulong na ang bato. Pagpasok nila sa libingan, nakita nilang nakaupo sa gawing kanan ang isang binatang nararamtan ng mahaba at puting damit. At sila'y natakot. "Huwag kayong matakot," sabi ng lalaki. "Hinahanap ninyo si Hesus, ang taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito - siya'y muling nabuhay! Tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya. Kaya, humayo kayo at sabihin ninyo sa mga alagad, lalo na kay Pedro, na mauuna siya sa inyo sa Galilea. Makikita ninyo siya roon, gaya ng sinabi niya sa inyo."