_________________________________________
Kapistahan Ng Banal Na Pamilya
Unang Pagbasa: Sirac 3:2-6
Salmo: Awit 128:1-5
Ikalawang Pagbasa: Colosas 3:12-17
Mabuting Balita: Mateo 2:13-15.9-23
Gospel Reflection
"Bumangon ka't dalhin mo agad sa Egipto ang iyong mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga't hindi ko sinasabi sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin." (Mateo 2:13)
_________________________________________
01 Enero 2014
Unang Pagbasa: Bilang 6:22-27; Awit 67:2-8;
Unang Pagbasa: Bilang 6:22-27; Awit 67:2-8;
Ikalawang Pagbasa: Galacia 4:4-7
Mabuting Balita: Lucas 2:16-21
Mabuting Balita: Lucas 2:16-21
16 Nagmamadali silang pumaroon at natagpuan nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. 17 Isinalaysay ng mga pastol ang sinabi ng anghel tungkol sa sanggol. 18 Namangha ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. 19 Tinandaan ni Maria ang mga bagay na ito, at ito'y kanyang pinagbulay-bulayan.
20 Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng anghel.
21 Pagsapit ng ikawalong araw, tinuli ang bata at pinangalanang Jesus. Ito ang pangalang sinabi ng anghel bago pa siya ipaglihi.
02 Enero 2014
Pagbasa: 1 Juan 2:22-28; Awit 98:1-4;
Pagbasa: 1 Juan 2:22-28; Awit 98:1-4;
Mabuting Balita: Juan 1:19-28
19 Ang mga pinuno ng mga Judio sa Jerusalem ay nagsugo ng ilang paring Judio at Levita upang itanong kay Juan kung sino nga ba siya. 20 Hindi nagkaila si Juan; sa halip ay maliwanag niyang sinabi, Hindi ako ang Cristo.
21 "Sino ka kung gayon?" tanong nila. "Ikaw ba si Elias?"
"Hindi ako si Elias", tugon niya.
"Ikaw ba ang Propeta?"
Sumagot siya, "Hindi rin".
22 "Sino ka kung gayon? Sabihin mo kung sino ka upang may masabi naman kami sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?" tanong nilang muli.
23 Sumagot si Juan sa pamamagitan ng pangungusap mula sa aklat ni Propeta Isaias,
"Ako ang tinig ng isang taong sumisigaw sa ilang,
Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon."
24 Ang mga nagtanong ay sugo ng mga Pariseo. 25 Muli nilang tinanong si Juan, "Bakit ka nagbabautismo, gayong hindi naman pala ikaw ang Cristo, o si Elias, o ang Propeta?"
26 Sumagot si Juan, "Ako'y nagbabautismo sa tubig, ngunit nasa inyong kalagitnaan ang isang hindi ninyo nakikilala. 27 Darating siyang kasunod ko subalit hindi man lamang ako karapat-dapat na magkalag ng sintas ng kanyang sandalyas."
28 Ang mga ito'y nangyari sa Bethania, sa silangan ng Ilog Jordan na pinagbabautismuhan ni Juan.
03 Enero 2014
Pagbasa: 1 Juan 2:29-3:6; Awit 98:1-6;
Pagbasa: 1 Juan 2:29-3:6; Awit 98:1-6;
Mabuting Balita: Juan 1:29-34
29 Kinabukasan, nakita ni Juan na si Jesus ay lumalapit sa kanya. Kaya't sinabi niya, "Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. 30 Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong ang dumarating na kasunod ko ay higit sa akin, sapagkat siya'y naroon na bago pa man ako ipanganak. 31 Hindi ko rin siya kilala noon subalit ako'y naparitong nagbabautismo sa tubig upang ipakilala siya sa Israel."
32 Ganito ang patotoo ni Juan: "Nakita ko ang Espiritu na bumababa na parang isang kalapati na buhat sa langit at nanatili sa kanya. 33 Hindi ko nga siya kilala noon. Ngunit ang nagsugo sa akin upang magbautismo sa tubig ang siya ring nagsabi sa akin, Ang sinumang makikita mong bababaan at pananatilihan ng Espiritu, siya ang magbabautismo ng Espiritu Santo sa inyo. 34 Ngayon ay nakita ko siya, at pinapatotohanan kong siya ang Anak ng Diyos."
04 Enero 2014
Pagbasa: 1 Juan 3:7-10; Awit 98:1-9;
Pagbasa: 1 Juan 3:7-10; Awit 98:1-9;
Mabuting Balita: Juan 1:35-42
35 Kinabukasan, naroon muli si Juan kasama ang dalawa sa kanyang mga alagad. 36 Nang makita niya si Jesus na nagdaraan ay kanyang sinabi, "Siya ang Kordero ng Diyos!"
37 Narinig ng dalawang alagad ang sinabi niya, kaya't sumunod sila kay Jesus. 38 Lumingon si Jesus, at nang makita niyang sumusunod sa kanya ang mga ito, sila,y tinanong niya, "Ano ang kailangan ninyo?"
Sumagot sila, "Saan po kayo nakatira, Rabi?" Ang kahulugan ng salitang ito'y Guro.
39 "Halikayo at tingnan ninyo", sabi ni Jesus.
Sumama sila kay Jesus at nakita nila ang kanyang tinitirhan; at tumuloy sila roon nang araw na iyon. Noo'y mag-aalas kuwatro na ng hapon.
40 Ang isa sa dalawang alagad na nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. 41 Unang hinanap ni Andres ang kanyang kapatid na si Simon. Sinabi niya rito, "Nakita na namin ang Mesiyas!" (Ang kahulugan ng salitang ito'y Cristo). 42 At isinama ni Andres si Simon kay Jesus.
Tiningnan ni Jesus si Simon at sinabi sa kanya, "Ikaw ay si Simon na anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cefas" (na ang kahulugan ng pangalang ito ay Pedro).