I-click dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa. ( Unang Pagbasa: Isaias 58:7-10 Salmo: Awit 112: 4-9; Ikalawang Pagbasa: 1 Corinto 2:1-5; Mabuting Balita: Mateo 5:13-16)
I-click dito para sa Gospel Reflection.
I-click dito para sa Gospel Reflection.
"Kayo ang asin ng sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao?" (Mateo 5:13)
_________________________________________
10 Pebrero 2014
Pagbasa: 1 Mga Hari 8:1-7; Salmo: Awit 132:6-7
Pagbasa: 1 Mga Hari 8:1-7; Salmo: Awit 132:6-7
Mabuting Balita: Marcos 6:53-56
11 Pebrero 2014
Pagbasa: 1 Mga Hari 8:22-30; Salmo: Awit 84:3-11
Pagbasa: 1 Mga Hari 8:22-30; Salmo: Awit 84:3-11
Mabuting Balita: Marcos 7:1-13
3 (Sapagkat ang mga Judio, lalo na ang mga Pariseo, ay hindi kumakain hangga't hindi muna sila nakapaghuhugas ng kamay ayon sa kaugaliang minana nila mula sa kanilang mga ninuno. 4 Hindi rin sila kumakain ng anumang galing sa palengke nang hindi muna ito hinuhugasan. a Marami pa silang sinusunod na katuruang minana, tulad ng paghuhugas ng mga tasa, pitsel, sisidlang tanso, at mga higaan.
5 Kaya tinanong si Jesus ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan, "Bakit hindi sumusunod ang mga alagad mo sa mga turo ng ating mga ninuno? Kumakain sila nang hindi muna naghuhugas ng kamay ayon sa kaugalian."
6 Sinagot sila ni Jesus, "Mga mapagkunwari! Tama nga ang sinabi ni Isaias tungkol sa inyo, nang kanyang isulat,
'Ang paggalang sa akin ng bayang ito ay pakunwari lamang,
sapagkat ito'y sa bibig at hindi sa puso bumubukal.
7 Walang kabuluhan ang kanilang pagsamba,
sapagkat itinuturo nilang galing sa Diyos ang kanilang mga utos.'
8 Winawalang-kabuluhan ninyo ang utos ng Diyos,
at ang sinusunod ninyo'y mga katuruan ng tao."
9 Sinabi pa ni Jesus, "Ang gagaling ninyo! Para lamang masunod ang inyong mga tradisyon, pinapawalang-bisa ninyo ang utos ng Diyos! 10 Halimbawa, iniutos ni Moises na 'Igalang mo ang iyong ama at ina', at 'Ang sinumang lumait sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.' 11 Ngunit itinuturo naman ninyo na kapag sinabi ng isang tao sa kanyang ama o ina, 'Naihandog ko na sa Diyos ang mga tulong ko sa inyo'; 12 ang taong iyon ay hindi na ninyo pinapatulong sa kanilang mga magulang. 13 Sa gayong paraan, pinapawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga itinuturo ninyo. At marami pa kayong itinuturong katulad nito."
12 Pebrero 2014
Pagbasa: 1 Mga Hari 10:1-10; Salmo: Awit 37:5-40
Pagbasa: 1 Mga Hari 10:1-10; Salmo: Awit 37:5-40
Mabuting Balita: Marcos 7:14-23
17 Iniwan ni Jesus ang mga tao, at nang makapasok na siya sa bahay, siya'y tinanong ng kanyang mga alagad tungkol sa talinhaga. 18 "Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin ninyo ako maunawaan?" tanong ni Jesus. "Hindi ba ninyo alam na hindi ang anumang mula sa labas ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya, 19 sapagkat hindi naman iyon pumapasok sa kanyang puso, kundi sa tiyan, at pagkatapos ay idinudumi." Sa ganitong paraan ay ipinahayag ni Jesus na ang lahat ng pagkain ay maaaring kainin.
20 At sinabi rin niya, "Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos. 21 Sapagkat sa loob, sa puso ng tao, nagmumula ang masasamang isipang naguudyok sa kanya upang makiapid, magnakaw, pumatay, 22 mangalunya, mag-imbot, gumawa ng kasamaan tulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, pagmamayabang, at kahangalan. 23 Ang lahat ng ito ay nanggagaling sa puso at ang mga ito ang siyang nagpaparumi sa kanya."
13 Pebrero 2014
Pagbasa: 1 Mga Hari 11:4-13; Salmo: Awit 106:3-40
Pagbasa: 1 Mga Hari 11:4-13; Salmo: Awit 106:3-40
Mabuting Balita: Marcos 7:24-30
28 Tugon ng babae, "Tunay nga po, Panginoon, ngunit kinakain din ng mga asong nasa ilalim ng mesa ang tira ng mga anak."
29 Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, "Dahil sa sinabi mo, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak."
30 Umuwi ang babae at naratnan niya sa higaan ang bata. Iniwan na nga ito ng demonyo.
14 Pebrero 2014
Pagbasa: 1 Mga Hari 11:29-12:19; Salmo: Awit 81:10-15
Pagbasa: 1 Mga Hari 11:29-12:19; Salmo: Awit 81:10-15
Mabuting Balita: Marcos 7:31-37
35 Noon di'y nakarinig ang lalaki at nakapagsalita na nang maayos. 36 Sinabi ni Jesus sa mga tao na huwag ipamalita ito, ngunit habang pinagbabawalan niya ang mga tao ay lalo naman nila itong ipinamamalita. 37 Buong paghangang sinasabi nila, "Ang lahat ng kanyang ginagawa ay napakabuti! Pinapagaling pa niya ang mga bingi at pipi!"
15 Pebrero 2014
Pagbasa: 1 Mga Hari 12:26-13:34; Salmo: Awit 106:6-22
Pagbasa: 1 Mga Hari 12:26-13:34; Salmo: Awit 106:6-22
Mabuting Balita: Marcos 8:1-10
4 "Ito po ay isang ilang na lugar. Saan po tayo kukuha ng pagkain para sa ganito karaming tao?" tanong ng mga alagad.
5 "Ilang tinapay pa ang natitira?" tanong ni Jesus.
"Pito po," sagot nila.
6 Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao at kinuha ang pitong tinapay. Nagpasalamat siya sa Diyos, hinati-hati ang mga tinapay at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Ganoon nga ang ginawa ng mga alagad. 7 Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Muli siyang nagpasalamat sa Diyos at pagkatapos ay iniutos niyang ipamahagi din iyon sa mga tao. 8 Kumain ang lahat at nabusog. Nang tipunin nila ang lumabis, nakapuno pa sila ng pitong kaing. 9 May apat na libong tao ang kumain. Matapos pauwiin ang mga tao, 10 sumakay si Jesus sa bangka, kasama ang kanyang mga alagad, at nagtungo sila sa lupain ng Dalmanuta.