Unang Pagbasa: Exodo 17:3-7
3 Ngunit talagang uhaw na uhaw na ang mga Israelita, kaya sinumbatan nila si Moises, "Inilabas mo ba kami sa Egipto para patayin sa uhaw pati mga anak namin at mga alagang hayop?"
3 Ngunit talagang uhaw na uhaw na ang mga Israelita, kaya sinumbatan nila si Moises, "Inilabas mo ba kami sa Egipto para patayin sa uhaw pati mga anak namin at mga alagang hayop?"
4 Kaya, humingi ng tulong si Moises kay Yahweh, "Ano ang gagawin ko sa mga taong ito? Gusto na nila akong batuhin?" 5 Sumagot si Yahweh, "Magsama ka ng ilang pinuno ng Israel at mauna kayo sa mga Israelita. Dalhin mo ang iyong tungkod na inihampas mo sa Ilog Nilo at lumakad na kayo. 6 Hihintayin ko kayo sa ibabaw ng malaking bato sa Sinai. Hampasin mo ito at bubukal ang tubig na maiinom ng mga tao." Iyon nga ang ginawa ni Moises; at ito'y nasaksihan ng mga kasama niyang pinuno ng Israel.
7 Ang lugar na iyon ay pinangalanan niyang "Masah" at "Meriba" sapagkat nagtalu-talo doon ang mga Israelita at sinubok nila si Yahweh. Ang pinagtalunan nila ay kung pinapatnubayan nga sila ni Yahweh o hindi.
Salmo: Awit 95:1-2. 6-7. 8-9
1 Tayo na't lumapit kay Yahweh na Diyos, siya ay awitan,
1 Tayo na't lumapit kay Yahweh na Diyos, siya ay awitan,
ang batong kublihan, atin ngang handugan, masayang awitan!
2 Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat,
siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.
6 Tayo na't lumapit, sa kanya'y sumamba at magbigay-galang,
lumuhod sa harap ni Yahweh na siyang sa ati'y may lalang.
7 Siya ang ating Diyos, at tayo ang bayan sa kanyang pastulan,
mga tupang kanyang inaalagaan.
At ngayon kanyang salita'y ating pakinggan:
8 "Iyang inyong puso'y huwag patigasin, tulad ng ginawa
ng inyong magulang nang nasa Meriba, sa ilang ng Masah.
9 Ako ay tinukso't doon ay sinubok ng inyong magulang,
bagama't nakita ang aking ginawang sila'ng nakinabang.
Ikalawang Pagbasa: Roma 5:1-2. 5-8
1 Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 2 Sa pamamagitan ng pagsampalataya a kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at tayo'y nagagalak dahil sa pag-asang tayo'y makakabahagi sa kanyang kaluwalhatian.
1 Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 2 Sa pamamagitan ng pagsampalataya a kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at tayo'y nagagalak dahil sa pag-asang tayo'y makakabahagi sa kanyang kaluwalhatian.
5 At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin ng Diyos.
6 Sapagkat noong tayo'y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa mga makasalanan. 7 Mahirap mangyaring ialay ninuman ang kanyang buhay alang-alang sa isang taong matuwid, kahit na maaaring may mangahas na gumawa nito alang-alang sa isang taong mabuti. 8 Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.
5 Dumating siya sa isang bayan na tinatawag na Sicar. Malapit ito sa bukid na ibinigay ni Jacob sa kanyang anak na si Jose. 6 Dito matatagpuan ang balon ni Jacob. Dahil siya'y napagod sa paglalakbay, umupo si Jesus sa tabi ng balon. Halos katanghalian na noon.
7 May isang Samaritanang dumating upang umigib, at sinabi ni Jesus sa kanya, Maaari mo ba akong bigyan ng maiinom? 8 Wala noon ang kanyang mga alagad dahil sila'y bumibili ng pagkain sa bayan.
9 Sinabi sa kanya ng babae, Ikaw ay Judio at Samaritana naman ako! Bakit ka humihingi sa akin ng inumin? Sinabi niya iyon sapagkat hindi nakikihalubilo ang mga Judio sa mga Samaritano.
10 Sumagot si Jesus, Kung alam mo lamang ang kaloob ng Diyos, at kung sino itong humihingi sa iyo ng inumin, ikaw ang hihingi sa kanya at bibigyan ka naman niya ng tubig na nagbibigay-buhay.
11 Nagsalita ang babae, Ginoo, malalim ang balong ito at wala ka namang panalok. Saan ka kukuha ng tubig na nagbibigaybuhay? 12 Ang balong ito ay pamana pa sa amin ng aming ninunong si Jacob. Dito siya uminom, gayundin ang kanyang mga anak at mga hayop. Higit ka pa ba sa kanya?
13 Sumagot si Jesus, Ang bawat uminom ng tubig na ito'y muling mauuhaw, 14 ngunit ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.
15 Sinabi ng babae, Ginoo, bigyan po ninyo ako ng tubig na ito upang hindi na ako mauhaw, ni pumarito pa upang sumalok muli.
19 Sinabi ng babae, Ginoo, isa kang propeta, hindi nga ba? 20 Dito sa bundok na ito sumamba sa Diyos ang aming mga ninuno, ngunit sinasabi ninyong mga Judio na sa Jerusalem lamang dapat sambahin ang Diyos.
21 Sinabi naman ni Jesus, Maniwala ka sa akin, darating na ang panahon na sasambahin ninyo ang Ama hindi na sa bundok na ito o sa Jerusalem. 22 Hindi ninyo kilala ang inyong sinasamba, ngunit kilala namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay nagmumula sa mga Judio. 23 Subalit dumarating na ang panahon at ngayon na nga, na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ganyan ang uri ng pagsambang kinalulugdan ng Ama. 24 Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.
25 Sinabi ng babae, Nalalaman ko pong darating ang Mesiyas, ang tinatawag na Cristo. Pagdating niya, siya ang magpapahayag sa amin ng lahat ng bagay.
26 Ako na kausap mo ngayon ang iyong tinutukoy, sabi ni Jesus.
39 Maraming Samaritano sa bayang iyon ang nanalig kay Jesus dahil sa patotoo ng babae, Sinabi niya sa akin ang lahat ng aking ginawa.
40 Kaya't pumunta sila kay Jesus at nakiusap na tumigil muna siya roon, at tumigil nga siya roon sa loob ng dalawang araw.
41 At marami pang sumampalataya nang mapakinggan siya. 42 Pagkatapos, sinabi nila sa babae, Naniniwala kami ngayon, hindi na dahil sa sinabi mo kundi dahil sa narinig namin siya. Alam na naming siya nga ang Tagapagligtas ng sangkatauhan.