Sa Isa Pang Sulyap Adroid App



Gusto mo bang mabasa ang Daily Gospel? O advance na mabasa Sunday Mass Readings? O pagnilayan ang ating Gospel? O panoorin ang Sunday Sambuhay TV Mass? 

Magagawa mo na ito gamit ang iyong android phone o tablet. I-download lang at i-install ang Sa Isa Pang Sulyap app. Kailangan mo lang ng internet connection at kahit na nasaan ka pa, madali mo nang makikita ang mga post sa ating blog.

Ang Android app na ito ay nilikha gamit ang Appgeyser.

Panuto sa kung paano i-install ang Sa Isa Pang Sulyap Android App:

1. Buksan ang Application Menu sa iyong android phone o tablet. 

2. I-click ang Settings.

3. Piliin ang Applications sa menu ng Settings.

4. Tiyaking naka-check ang Unknown Sources. Kailangan ito para ma-install ang Sa Isa Pang Sulyap App. May lalabas na Warning, piliin ang OK.

5. I-download ang Sa Isa Pang Sulyap app dito.

6. Matapos i-click ang download link, makikita ang mensaheng "Starting download".

7. Sa kaliwang bahagi sa itaas ng screen, isang pababang arrow ang makikita. I-click ang arrow at hanapin ang SaIsaPangSulyap.apk sa Notifications.
(Kung hindi mag-display ang Notifications matapos i-click ang pababang arrow, bumalik sa home screen at i-drag pababa ang status bar para makita ang notifications list.

8. I-click ang SaIsaPangSulyap.apk. Kapag may bumukas na dialog ukol sa pag-open ng file, piliin ang package installer. I-click ang Install. 

9. Hintaying matapos ang installation. Pindutin ang Open para agad na mabuksan ang Sa Isa Pang Sulyap application.

Mga Rekomendadong Posts:

26 Nob - Dakilang
Kapistahan ni Kristong Hari
26 Nob 2017 - Sino
Ang Boss Mo?
19-25 Nobyembre 2017
.
19 Nobyembre 2017
.

Sa Isa Pang Sulyap Newsletter (PDF):

26 Nob
2017
19 Nob
2017
12 Nob
2017
05 Nob
2017