07 - 13 Hunyo 2015



"Mapapalad ang mga nagluluksa sapagkat pagiginhawahin sila." 
(Mateo 5:4)

07 Hunyo
08 Hunyo
09 Hunyo
10 Hunyo
11 Hunyo
12 Hunyo
13 Hunyo

07 Hunyo 2015
Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa. (Unang Pagbasa: Exodo 24:3-8; Salmo: Awit 116:12-13. 15-16. 17-18; Ikalawang Pagbasa: Hebreo 9:11-15; Mabuting Balita: Marcos 14:12-16.22-26)


“Kunin ninyo; ito ang aking katawan... Ito ang aking dugo ng tipan, ang dugong mabubuhos dahil sa marami.” (Marcos 14:22. 24)



08 Hunyo 2015
Unang Pagbasa: 2 Corinto 1:1-7; Salmo: Awit 34:2-9
Mabuting Balita: Mateo 5:1-12

1 Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. 2 At nagsimula siyang magturo sa kanila:

3 “Mapapalad ang mga may diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit.

4 Mapapalad ang mga nagluluksa sapagkat pagiginhawahin sila.

5 Mapapalad ang mga di-marahas sapagkat mapapasakanila ang lupain.

6 Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin sila.

7 Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawaan sila.

8 Mapapalad ang mga may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos.

9 Mapapalad ang mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. 

10 Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang Kaharian ng Langit.

11 Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang gantimpalang nasa Diyos para sa inyo. Ganito rin pinag-usig ang mga propetang nauna sa inyo.

09 Hunyo 2015
Unang Pagbasa: 2 Corinto 1:18-22; Salmo: Awit 99:129-135
Mabuting Balita: Mateo 5:13-16

13 Kayo ang asin ng mundo. Ngunit kung mawalan ng lasa ang asin, paano pa ito mapaaalat na muli? Wala na itong silbi. Itatapon na lamang at tatapakan ng mga tao.

14 Kayo ang ilaw ng mundo. Hindi maitatago ang lunsod na itinayo sa tuktok ng bundok. 15 Hindi rin sinisindihan ang ilaw para takpan ng kahon,  sa halip ay inilalagay ito sa isang lampara at tumatanglaw sa lahat ng nasa bahay. 16 Gayundin naman ang inyong liwanag sa paningin ng mga tao; at makikita nila ang inyong mabubuting gawain at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.

10 Hunyo 2015
Unang Pagbasa: 2 Corinto 3:4-11; Salmo: Awit 99:5-9
Mabuting Balita: Mateo 5:17-19

17 Huwag ninyong akalain na naparito ako para pawalang-bisa ang Batas at Mga Propeta. Naparito ako hindi para magpawalang-bisa kundi upang magbigay-kaganapan. 18 At talagang sinasabi ko sa inyo: habang hindi nababago ang langit at lupa, hindi mababago ni isang kudlit o kuwit ng Batas: lahat ay matutupad.  

19 Kung may lumabag sa pinakamaliit na ipinag-uutos ng Batas at magturo ng ganoon sa mga tao, ituturing din siyang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit. Ngunit kung may magsagawa at magturo ng mga ito sa mga tao, magiging dakila siya sa Kaharian ng Langit.

11 Hunyo 2015
Unang Pagbasa: Gawa 11:21-26, 13:1-3; Salmo: Awit 98:1-6
Mabuting Balita: Mateo 10:7-13

7 Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaharian ng Langit.’ 8 Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga mayketong at palayasin ang mga demonyo. Tinanggap ninyo ito nang walang bayad kaya ibigay rin ninyo nang walang bayad. 9 Huwag magdala ng ginto, pilak o pera sa inyong mga bulsa. 10 Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o sandalyas o tungkod, sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang ikabubuhay. 

11 Pagdating ninyo sa isang bayan o baryo, maghanap ng isang taong karapat-dapat at makituloy sa kanya hanggang sa inyong pag-alis.

12 Pagpasok ninyo sa isang tahanan, dasalan ito ng kapayapaan. 13 Kung karapat-dapat ang sambahayang ito, sasakanila ang kapayapaang dinasal ninyo; kung hindi naman karapat-dapat, babalik sa inyo ang inyong dasal.

12 Hunyo 2015
Unang Pagbasa: Hosea 11:1-9; Salmo: Isaias 12:2-6; Ikalawang Pagbasa: Efeso 3:8-19
Mabuting Balita: Juan 19:31-37

31 Dahil paghahanda noon, ayaw ng mga Judio na mamalagi sa krus ang mga katawan sa Araw ng Pahinga sapagkat dakilang araw ang Araw na iyon ng Pahinga. At ipinakiusap nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nasa krus at saka alisin.

32 Kaya pumaroon ang mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng una at ng isa pang kasama niyang ipinako sa krus. 33 Ngunit pagsapit nila kay Jesus, nakita nilang patay na siya kaya hindi nila binali ang kanyang mga binti. 34 Gayunma’y sinibat ng isa sa mga sundalo ang kanyang tagiliran, at biglang may umagos na dugo at tubig. 35 Ang nakakita ang nagpapatunay, at totoo ang kanyang patunay. At Siya ang nakaaalam na totoo ang sinasabi niya para maniwala kayo.

36 Gayon kailangang maganap ang Kasulatan: Walang babaliin sa kanyang mga buto. 37 At sinasabi ng isa pang Kasulatan: Pagmamasdan nila ang kanilang sinibat

13 Hunyo 2015
Unang Pagbasa: 2 Corinto 5:14-21; Salmo: Awit 103:1-12
Mabuting Balita: Mateo 5:33-37

33 Narinig na rin ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: Huwag kang sisira sa iyong sinumpaan. Tuparin mo ang sinumpaang pangako sa Panginoon. 34 Ngunit sinasabi ko naman sa inyo: huwag kayong manumpa sa ngalan ng Langit pagkat naroon ang trono ng Diyos, 35 ni sa ngalan ng lupa pagkat ito ang tuntungan ng kanyang mga paa, ni sa ngalan ng Jerusalem pagkat ito ang lunsod ng Dakilang Hari. 36 Huwag kang manumpa ni sa ngalan ng iyong ulo pagkat ni hindi mo kayang paputiin o paitimin ni isang hibla ng iyong buhok. 37 Sabihin mong oo kung oo at hindi kung hindi. Ano pa mang sasabihin mo’y sa demonyo na galing.

07 Hunyo
08 Hunyo
09 Hunyo
10 Hunyo
11 Hunyo
12 Hunyo
13 Hunyo

Mga kasulyap-sulyap ngayon: