“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; kapayapaan ko ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi gaya ng ibinibigay ng mundo ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong puso, ni panghinaan ng loob.” (Juan 14:27)
|
|
|
|
|
|
|
24 Abril 2016
Ikalimang Linggo ng Muling Pagkabuhay
“Mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo.” (Juan 13:34)
San Marcos, Ebanghelista |
Pagbasa: 1 Pedro 5:5-14; Salmo: Awit 89:2-17;
Mabuting Balita: Marcos 16:15-20
15 At sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkinapal. 16 Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. 17 At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, 18 hahawakan nila ang mga ahas, at di sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.”
19 Matapos silang kausapin ng Panginoong Jesus, iniakyat siya sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. 20 At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila.
Pagbasa: Gawa 14:19-28; Salmo: Awit 145:10-21;
Mabuting Balita: Juan 14:27-31
27 Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; kapayapaan ko ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi gaya ng ibinibigay ng mundo ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong puso, ni panghinaan ng loob. 28Narinig ninyong sinabi ko sa inyo. ‘Paalis ako pero pabalik ako sa inyo.’ Kung minahal ninyo ako, magagalak kayo’t papunta ako sa Ama pagkat mas dakila sa akin ang Ama.
29Ngunit sinabi ko ito ngayon sa inyo bago pa mangyari ito. 30Hindi ko na kayo kakausapin nang mahaba sapagkat parating na ang pinuno ng mundo. Walang anumang kanya sa akin 31ngunit dapat malaman ng mundo na mahal ko ang Ama, at ayon sa iniutos sa akin ng Ama, ito mismo ang aking ginagawa. Tumindig kayo, tayo na mula rito!”
Pagbasa: Gawa 15:1-6; Salmo: Awit 122:1-5;
Mabuting Balita: Juan 15:1-8
1 “Ako siyang totoong puno ng ubas at ang Ama ko ang magsasaka. 2 Pinuputol niya ang bawat sangang di namumunga sa akin; at pinupungusan naman niya’t nililinisan ang bawat namumunga upang higit pang mamunga.
3 Ngayon malinis na kayo dahil sa salitang binigkas ko sa inyo. 4 Mamalagi kayo sa akin, at ako sa inyo.
Hindi makapamumunga ang sanga sa ganang sarili, malibang mamalagi ito sa puno ng ubas; gayundin naman kayo, malibang mamalagi kayo sa akin. 5 Ako siyang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang namamalagi sa akin at ako sa kanya, siya ang namumunga nang sagana pagkat hiwalay sa aki’y hindi kayo makagagawa ng anuman. 6 Kung hindi namamalagi sa akin ang sinuman, ihahagis siya sa labas gaya ng sangang natuyo na tinitipon at ginagatong sa apoy at nagliliyab.
7 Kung mamamalagi kayo sa akin at mamamalagi sa inyo ang mga pananalita ko, hingin ninyo ang anumang loobin n’yo at magkakagayon sa inyo. 8 Sa ganito parangalan ang aking Ama: kapag namunga kayo nang sagana at naging mga alagad ko.
28 Abril 2016
Pagbasa: Gawa 15:7-21; Salmo: Awit 96:1-10;Mabuting Balita: Juan 15:9-11
Santa Catalina ng Siena |
Pagbasa: Gawa 15:22-31; Salmo: Awit 57:8-12;
Mabuting Balita: Juan 15:12-17
12 Ito ang kautusan ko: magmahalan kayo kung paano ko kayo minahal. 13 Wala nang pagmamahal na hihigit pa sa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa kanyang mga kaibigan.
14 Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. 15 Hindi ko na kayo tinatawag na mga lingkod sapagkat hindi alam ng lingkod ang ginagawa ng kanyang panginoon.
Mga kaibigan naman ang turing ko sa inyo sapagkat ipinagbibigay-alam ko sa inyo lahat ng narinig ko mula sa aking Ama.
16 Hindi kayo ang humirang sa akin, ako ang humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo para humayo at mamunga, at mamalagi ang inyong bunga. At ipagkakaloob sa inyo anumang hingin n’yo sa Ama sa pangalan ko.
17 Iniuutos ko nga sa inyo: magmahalan kayo.
San Pius, Papa |
Pagbasa: Gawa 16:1-10; Salmo: Awit 100:1-5;
Mabuting Balita: Juan 15:18-21
18 Kung napopoot sa inyo ang mundo, alamin n’yo na sa akin muna ito napoot bago sa inyo. 19 Kung kayo’y makamundo, inibig na sana ng mundo ang sariling kanya. Ngunit dahil hindi kayo makamundo kundi hinirang ko kayo mula sa mundo kaya napopoot sa inyo ang mundo.
20 Tandaan ninyo ang salitang sinabi ko sa inyo: ‘Walang lingkod na mas dakila sa kanyang panginoon.’ Di ba’t inusig nila ako? Uusigin din kayo. Tinupad ba nila ang aking salita? Gayon din nila tutuparin ang sa inyo. 21 Gagawin nila sa inyo ang lahat ng ito dahil sa aking pangalan sapagkat hindi nila nakikilala ang nagpadala sa akin.
|
|
|
|
|
|
|