Una niyang hinanap ang kapatid niyang ito, at kanyang sinabi sa kanya, “Natagpuan namin ang Mesiyas!” (Juan 1:41)
Noong mga araw na iyon: Si
Samuel ay natutulog sa templo,
sa may Kaban ng Tipan. Nang
magmamadaling araw na, siya’y
tinawag ng Panginoon, “Samuel,
Samuel!” “Po,” sagot niya. Patakbo
siyang lumapit kay Eli at sinabi,
“Bakit po?” Sinabi ni Eli, “Hindi
kita tinatawag. Mahiga ka na uli.”
Nagbalik nga siya sa kanyang
higaan.
Tinawag siya uli ng Panginoon.
Bumangon siya, lumapit kay Eli
at itinanong, “Tinatawag po ba
ninyo ako? ” Sinabi ni Eli, “Hindi
kita tinatawag, anak. Mahiga ka na
uli.” Hindi pa kilala ni Samuel ang
Panginoon sapagkat hindi pa siya
kinakausap nito.
Sa ikatlong beses na tawagin
siya, lumapit uli siya kay Eli at sinabi,
“Narinig ko pong tinawag ninyo
ako.” Naisip ni Eli na ang Panginoon
ang tumatawag kay Samuel. Kaya
sinabi niya, “Sige, mahiga ka uli.
Kapag narinig mo pang tinawag ka,
ganito ang sabihin mo: ‘Magsalita
po kayo, Panginoon. Nakikinig po
ang inyong lingkod.’ ” At muling
nahiga si Samuel.
Ang Panginoon ay lumapit kay
Samuel at tinawag ito. Sumagot
si Samuel, “Magsalita po kayo,
nakikinig po ang inyong linkod.”
Habang lumalaki si Samuel,
patuloy siyang pinapatnubayan
ng Panginoon, at nagkakatotoo
ang lahat ng sinasabi niya.
Salmo: Awit 39
Tugon: Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo!
Ako ay naghintay sa‘king Panginoon,
at dininig niya ang aking pagtaghoy;
tinuruan niya ako pagkatapos
ng bagong awiting pampuri sa Diyos.
Ang mga panghandog, pati mga hain,
at ang mga hayop na handang sunugin,
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
upang yaong sala‘y iyong patawarin;
sa halip, ang iyong kaloob sa akin
ay ang pandinig ko upang ikaw’y dinggin.
Kaya ang tugon ko, “Ako’y naririto;
nasa Kautusan ang mga turo mo.
Ang nais kong sundi’y iyong kalooban;
aking itatago sa puso ang aral.”
Ang pagliligtas mo’y aking inihayag
saanman magtipon ang ’yong mga anak;
di ako titigil ng pagpapahayag.
Ikalawang Pagbasa: 1 Corinto 6:13-15.17-20
Mga kapatid: Ang katawan ay hindi para sa pakikiapid kundi para sa Panginoon, at ang Panginoon naman ay sa katawan. Muling binuhay ng Diyos ang Panginoong Hesus, at tayo ma’y muling bubuhayin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
Hindi ba ninyo alam na kayo’y mga bahagi ng katawan ni Kristo? Ang nakikipag-isa sa Panginoon ay kaisa niya sa Espiritu.
Huwag kayong makikiapid. Sa alinmang ibang kasalanan na ginagawa ng tao, iba ang napipinsala, ngunit sa pakikiapid, sariling katawan ang kanyang pinipinsala. Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos? Ang inyong katawan ay hindi talagang inyo kundi sa Diyos; binili niya kayo sa malaking halaga. Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.
Mabuting Balita: Juan 1:35-42
Noong panahong iyon, nakatayo si Juan at ang dalawa sa kanyang mga alagad. Nakita niya si Hesus na nagdaraan, at kanyang sinabi, “Ito ang Kordero ng Diyos!” Narinig ng dalawang alagad ang sinabi niya, at sumunod sila kay Hesus. Lumingon si Hesus at nang makitang sumusunod sila ay kanyang tinanong, “Ano ang hinahanap ninyo?” Sumagot sila, “Saan po kayo nakatira, Rabi?” Ang kahulugan ng salitang ito’y Guro. “Halikayo at tingnan ninyo,” ani Hesus. Sumama sila at nakita nila ang kanyang tinitirhan; at tumuloy sila roon nang araw na yaon. Noo’y mag-iikaapat na ng hapon.
Ang isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod kay Hesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. Una niyang hinanap ang kapatid niyang ito, at kanyang sinabi sa kanya, “Natagpuan namin ang Mesiyas!” Ang kahulugan ng salitang ito’y Kristo. At siya’y isinama ni Andres kay Hesus. Tiningnan ni Hesus si Simon at sinabi sa kanya, “Ikaw si Simon na anak ni Juan. Ang ipangangalan sa iyo’y Cefas.” Ang katumbas ng pangalang ito’y Pedro.