14 - 20 Hulyo 2019



Ngunit pagkaalis ng mga tao, pumasok siya, hinawakan ang bata sa kamay at bumangon ito. (Mateo 10:42)

14 Hulyo
15 Hulyo
16 Hulyo
17 Hulyo
18 Hulyo
19 Hulyo
20 Hulyo


14 Hulyo 2019
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon

(I-click ang larawan)

“Sino ngayon sa palagay mo ang nagpakita ng kanyang pakikipagkapwa sa taong hinarang ng mga tulisan?” (Lucas 10:36)


San Buenaventura
15 Hulyo 2019
Pagbasa: Exodo 1:8-22; Salmo: Awit 124:1-8;
Mabuting Balita: Mateo 10:34–11:1

34 Huwag ninyong isipin na dumating ako para magdala ng kapayapaan sa lupa. Hindi kapayapaan ang dala ko kundi tabak. 35 Dumating akong taglay ang paghihiwalay: ng tao laban sa kanyang ama, ng anak na babae sa kanyang ina, ng manugang sa kanyang biyenan. 36 At magiging kaaway ng bawat isa ang kanyang mga kasambahay.

37 Ang mas nagmamahal sa kanyang ama o ina kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang mas nagmamahal sa kanyang anak kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 38 At ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 39 Ang nagpapahalaga sa kanyang sarili ang siyang mawawalan nito, at ang nawawalan naman ng kanyang sarili ang siyang makakatagpo nito.

40 Kung may tumatanggap sa inyo, tinatanggap din niya ako; at kung may tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin. 41 Kung may tumanggap sa isang propeta dahil propeta ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang propeta; kung may tumanggap sa isang mabuting tao dahil marangal ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang mabuting tao. 42 Kung may magpainom ng malamig na tubig sa isa sa maliliit na ito dahil sa alagad ko ito, sinasabi kong hindi siya mananatiling walang gantimpala.”

1 Nang matapos si Jesus sa pagtuturo sa Labindalawa niyang alagad, umalis siya roon para magturo at mangaral sa mga bayan doon.


Mahal ng Birhen ng
Bundok Carmelo
16 Hulyo 2019
Pagbasa: Exodo 2:1-15; Salmo: Awit 69:3-34;
Mabuting Balita: Mateo 11:20-24

20 At sinimulang tuligsain ni Jesus ang mga bayang ginawan niya ng karamihan sa kanyang mga himala, sapagkat hindi sila nagpanibagong-buhay: 21 “Sawimpalad kayong mga bayan ng Corozain at Betsaida! Kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang naganap sa piling ninyo, matagal na sana silang nagsisi nang may abo at sako. 22 Kaya sinasabi ko sa inyo: Mas magiging magaan pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa inyo. 23 At ikaw naman, Capernaum, itataas ka ba sa langit? Hindi, itatapon ka sa kaharian ng mga patay! Sapagkat kung sa Sodom nangyari ang mga himalang naganap sa iyo, nananatili pa sana ngayon ang Sodom. 24 Kaya sinasabi ko sa inyo: mas magiging magaan pa ang sasapitin ng lupain ng Sodom sa araw ng paghuhukom kaysa inyo.”


17 Hulyo 2019
Pagbasa: Exodo 3:1-12; Salmo: Awit 103:1-7;
Mabuting Balita: Mateo 11:25-27

25 Nagsalita si Jesus sa pagkakataong iyon: “Pinupuri kita Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. 26 Oo, Ama, ito ang ikinasiya mo.

27 Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak.


18 Hulyo 2019
Pagbasa: Exodo 3:13-20; Salmo: Awit 105:1-27;
Mabuting Balita: Mateo 11:28-30

28 Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawahin ko kayo. 29 Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin, akong mahinahon at mababang-loob, at makakatagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. 30 Sapagkat mahusay ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.”


19 Hulyo 2019
Pagbasa: Exodo 11:10–12:14; Salmo: Awit 116:12-18;
Mabuting Balita: Mateo 12:1-8

1 Naglakad noon si Jesus sa mga taniman ng trigo minsang Araw ng Pahinga. Nagutom ang kanyang mga alagad at sinimulan nilang alisin sa uhay ang mga butil, at kinain iyon. 2 Nang mapansin ito ng mga Pariseo, sinabi nila kay Jesus: “Tingnan mo ang iyong mga alagad, gumagawa sila ng ipinagbabawal sa Araw ng Pahinga!”

3 Ngunit sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David noong magutom siya at ang kanyang mga kasama? 4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain ang tinapay na inihain para sa Diyos gayong bawal sa kanya o sa kanyang mga kasama na kainin ito liban sa mga pari. 5 At hindi ba ninyo nabasa sa Batas na sa Araw ng Pahinga, walang pahinga ang mga pari sa Templo pero wala silang kasalanan dahil dito?

6 Sinasabi ko naman sa inyo: Dito’y may mas dakila pa sa Templo. 7 Kung nauunawaan ninyong talaga ang salitang ito, ‘Awa ang gusto ko, hindi handog,’ hindi sana ninyo hinatulan ang walang-sala.

8 At isa pa’y ang Anak ng Tao ang Panginoon ng Araw ng Pahinga.”


San Apolinar de Ravena
20 Hulyo 2019
Pagbasa: Exodo 12:37-42; Salmo: Awit 136:1-15;
Mabuting Balita: Mateo 12:14-21

14 Pagkalabas ng mga Pariseo, nag-usap-usap sila kung paano nila siya masisiraan. 15 Nalaman ito ni Jesus kaya lumayo siya sa lugar na iyon. Maraming tao ang sumunod sa kanya. Pinagaling niya ang lahat ng maysakit 16 ngunit inutusan niya sila na huwag siyang ipamamalita.

17 Kaya natupad ang sinabi ni Isaias, ang propeta:

18 “Narito ang utusan ko na aking pinili, ang mahal ko na siya kong kinalulugdan. Ilalagay ko sa kanya ang aking Espiritu at siya ang magpapahayag sa mga bansa ng aking mga pasya.

19 Hindi siya makikipagtalo o sisigaw, hindi maririnig sa mga liwasan ang kanyang tinig. 20 Hindi niya babaliin ang sugatang tangkay o papatayin ang aandap-andap na mitsa. Hindi siya titigil hanggang magwagi ang katarungan. 21 Ang kanyang pangalan ang inaasahan ng lahat ng bansa.”

14 Hulyo
15 Hulyo
16 Hulyo
17 Hulyo
18 Hulyo
19 Hulyo
20 Hulyo

Mga kasulyap-sulyap ngayon: