16 - 22 Pebrero 2019

Daily Gospel Sa Isang Buong Linggo


“Mag-ingat at huwag magtiwala sa lebadura ng mga Pariseo at sa lebadura ni Herodes.”. (Marcos 8:15)

16 Peb
17 Peb
18 Peb
19 Peb
20 Peb
21 Peb
22 Peb


16 Pebrero 2020
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon

16 Peb
17 Peb
18 Peb
19 Peb
20 Peb
21 Peb
22 Peb
(I-click ang larawan)

“Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos.” (Mateo 5:20)


Pitong Tagapagtatag ng Orden
ng mga Lingkod ng Mahal
na Birheng Maria
17 Pebrero 2020
Pagbasa: Santiago 1:1-11; Salmo: Awit 119:67-76;
Mabuting Balita: Marcos 8:11-13

11 Dumating ang mga Pariseo at nagsimulang makipagtalo sa kanya. Gusto nilang subukan si Jesus at humingi ng isang makalangit na tanda. 12 Nagbuntung-hininga siya at sinabi: “Bakit humihingi ng palatandaan ang lahing ito? Talagang sinasabi ko sa inyo: walang tandang ibibigay sa lahing ito.” 13 Kaya iniwan sila ni Jesus at sumakay sa bangka patawid sa kabilang ibayo.


18 Pebrero 2020
Pagbasa: Santiago 1:12-18; Salmo: Awit 94:12-19;
Mabuting Balita: Marcos 8:14-21

14 Nakalimutan nilang magdala ng tinapay at isa lang ang dala nila sa bangka. 15 At pinagsabihan sila ni Jesus: “Mag-ingat at huwag magtiwala sa lebadura ng mga Pariseo at sa lebadura ni Herodes.” 16 At sinabi ng mga alagad sa isa’t isa: “Oo nga, ano? Wala tayong dalang tinapay.”

17 Alam ni Jesus ang mga ito kaya sinabi niya sa kanila: “Bakit ninyo pinag-uusapan ang tinapay na wala sa inyo? Hindi pa ba ninyo maisip at maunawaan? Mapurol ba ang inyong pag-iisip? 18 May mata kayong di nakakakita at may taingang di nakakarinig? Hindi na ba ninyo naaalala 19 nang pinira-piraso ko ang limang tinapay para sa limang libo, ilang basket na puno ng mga pira-piraso ang inyong naipon?” At sumagot sila: “Labindalawa.” 20 “At nang may pitong tinapay para sa apat na libo, ilang bayong na puno ng mga pira-piraso ang inyong naipon?” At sumagot sila: “Pito.” 21 At sinabi ni Jesus: “Hindi pa ba ninyo nauunawaan?”


19 Pebrero 2020
Pagbasa: Santiago 1:19-27; Salmo: Awit 15:2-5;
Mabuting Balita: Marcos 8:22-26

22 Pagpasok nila sa Betsaida, isang bulag ang dinala sa kanya at hiniling sa kanyang hipuin ito. 23 Inakay ito ni Jesus sa labas ng bayan, pinahiran ng laway ang mga mata nito at ipinatong ang kanyang mga kamay. At saka niya ito tinanong: “May nakikita ka ba?” 24 Tumingin ang tao, at sinabi nito: “Parang mga punongkahoy ang nakikita ko pero lumalakad, tiyak na mga tao ito.” 25 Kaya agad na ipinatong ni Jesus ang kanyang mga kamay sa mga mata nito, at nakakilala siya at gumaling, at nakita nga niya nang malinaw ang lahat.

26 Pinauwi ito ni Jesus sa pagsasabing: “Huwag kang pumasok kahit na sa nayon.”


20 Pebrero 2020
Pagbasa: Santiago 2:1-9; Salmo: Awit 34:2-7;
Mabuting Balita: Marcos 8:27-33

27 At pumunta si Jesus kasama ang kanyang mga alagad sa mga nayon ng Cesarea ni Filipo. At habang nasa daa’y tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Sino raw ako ayon sa mga tao?” 28 Sumagot sila: “May nagsasabing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o isa sa mga propeta kaya.”

29 At tinanong niya sila: “Ngunit ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” At sumagot si Pedro: “Ikaw ang Mesiyas.” 30 At inutusan niya sila na huwag sabihin kaninuman ang tungkol sa kanya.

31 At sinimulan niyang ituro sa kanila na kailangang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon pagkatapos ng tatlong araw. 32 At buong-tapang siyang nagsalita. Dinala naman siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulan siyang pagsabihan. 33 Ngunit pagtalikod ni Jesus, nakita niya na naroon din ang kanyang mga alagad. Kaya pinagsabihan niya si Pedro: “Sa likod ko, Satanas! Hindi sa Diyos galing ang iniisip mo kundi mula sa tao.”


San Pedro Damian
21 Pebrero 2020
Pagbasa: Santiago 2:14-26; Salmo: Awit 112:1-6;
Mabuting Balita: Marcos 8:34–9:1

34 At tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad pati ang mga tao, at sinabi: “Kung may gustong sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa akin. 35 Sapagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ay mawawalan nito, at ang mawawalan ng sarili alang-alang      sa akin at sa ebanghelyo ang magliligtas nito.

36 Ano ang pakinabang ng tao tubuin man niya ang buong daigdig kung sarili naman niya ang mawala? 37 At pagkatapos ay ano ang maibibigay niya para mabawi ang kanyang sarili? 38 Ang ikinahihiya ako at ang aking  mga salita sa harap ng di-tapat at makasalanang lahing ito ay ikahihiya rin ng Anak ng Tao pagdating niyang taglay ang luwalhati ng kanyang Ama, kasama ng mga banal na anghel.”

1 At idinagdag ni Jesus: “Toto     ong sinasabi ko sa inyo na di daranas ng kamatayan ang ilan sa mga naririto hanggang hindi nila nakikita ang kaharian ng Diyos na dumarating na may kapangyarihan.”


Luklukan ni San Pedro
22 Pebrero 2020
Pagbasa: 1 Pedro 5:1-4; Salmo: Awit 23:1-6;
Mabuting Balita: Mateo 16:13-19

13 Pumunta noon si Jesus sa may dakong Cesarea ni Filipo. Tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Ano ang Anak ng Tao para sa mga tao? Sino ako para sa kanila?” 14 Sumagot sila: “May nagsasabing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o si Jeremias o isa sa mga propeta kaya.”

15 Sinabi niya sa kanila: “Ngunit sino ako para sa inyo?” 16 At sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.” 17 Sumagot naman si Jesus: “Mapalad ka, Simon Bar-Yona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag nito sa iyo kundi ang aking Amang nasa Langit.

18 At ngayon sinasabi ko sa iyo: Ikaw si Pedro (o Bato) at sa batong ito ko itatayo ang aking Iglesya; at hinding-hindi ito madadaig ng kapangyarihan ng kamatayan. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang kalagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.”

20 At inutusan niya ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya nga ang Mesiyas.

16 Peb
17 Peb
18 Peb
19 Peb
20 Peb
21 Peb
22 Peb

Mga kasulyap-sulyap ngayon: