Daily Gospel - 21 Agosto 2020


“Sa dalawang utos na ito nabubuod ang buong Batas at Mga Propeta.” (Mateo 22:40)

San Pio X
Pagbasa: Ezekiel 37:1-14; Salmo: Awit 107:2-9;
Mabuting Balita: Mateo 22:34-40

34 Narinig ng mga Pariseo na napatahimik ni Jesus ang mga Sadduseo, at sumang-ayon sila sa kanya. 35 Kaya sinubukan siya ng isa sa kanila na isang guro ng Batas sa tanong na ito: 36 “Guro, ano ang pinakamahalagang utos ng Batas?”

37 Sumagot si Jesus: “Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa at nang buo mong pag-iisip. 38 Ito ang una at pinakamahalagang utos. 39 Ngunit may ikalawa pa na tulad nito: Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. 40 Sa dalawang utos na ito nabubuod ang buong Batas at Mga Propeta.”

Mga kasulyap-sulyap ngayon: