Daily Gospel - 26 Pebrero 2022


Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi papasok sa kaharian ng Diyos ang di tumatanggap dito gaya ng isang maliit na bata.” (Marcos 10:15)

Pagbasa: Sirac 17:1-15; Salmo: Awit 103:13-18;
Mabuting Balita: Marcos 10:13-16

13 May nagdala naman kay Jesus ng mga bata para hipuin niya sila. Ngunit pinagalitan ng mga alagad ang mga taong may dala sa kanila.

14 At pagkakita ni Jesus, nagalit siya at sinabi sa kanila: “Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan. Sa mga tulad nga nila ang kaharian ng Diyos. 15 Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi papasok sa kaharian ng Diyos ang di tumatanggap dito gaya ng isang maliit na bata.” 16 At pagkakalong sa kanila ni Jesus, ipinatong niya sa kanila ang kanyang mga kamay para basbasan sila.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: