Daily Gospel - 08 Pebrero 2023

 

Hindi ang pumapasok sa tao mula sa labas ang nakapagpaparumi sa kanya kundi ang lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa kanya. (Marcos 7:15)

San Jeronimo Emiliani at Sta.
Josefina Bakhita
Pagbasa: Genesis 2:4-17; Salmo: Awit 104:1-30;
Mabuting Balita: Marcos 7:14-23

14 Kaya tinawag ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila: “Pakinggan ako at unawain sana ninyong lahat. 15 Hindi ang pumapasok sa tao mula sa labas ang nakapagpaparumi sa kanya kundi ang lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa kanya. 16 Makinig ang may tainga.”

17 Pagkalayo ni Jesus sa mga tao, nang nasa bahay na siya, tinanong siya ng kanyang mga alagad tungkol sa talinhagang ito. 18 At sinabi niya: “Wala rin ba kayong pang-unawa? Hindi ba ninyo nauunawaan na sa bituka pumupunta ang anumang pumapasok sa tao mula sa labas? 19 Sapagkat hindi sa puso ito pumapasok kundi sa tiyan at pagkatapos ay itinatapon sa labas.” (Sa gayo’y sinabi niya na malinis ang tanang mga pagkain.) 

20 At idinagdag niya: “Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa tao. 21 Sa puso nga ng tao nagmumula ang masasamang hangarin – kahalayan, pagnanakaw, pagpatay sa kapwa, 22 pakikiapid, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira, kapalaluan, kabuktutan. 23 Ang masasamang bagay na ito ang nagpaparumi sa tao.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: