Daily Gospel - 04 Marso 2023

 

Ngunit sinasabi ko sa inyo: Mahalin ninyo ang inyong kaaway, at ipagdasal ang mga umuusig sa inyo. (Mateo 5:44)

San Casimiro de Polonia 
Pagbasa: Deuteronomio 26:16-19; Salmo: Awit 119:1-8;
Mabuting Balita: Mateo 5:43-48

43 Narinig na ninyo na sinabi: Mahalin mo ang iyong kapwa at kamuhian ang iyong kaaway. 44 Ngunit sinasabi ko sa inyo: Mahalin ninyo ang inyong kaaway, at ipagdasal ang mga umuusig sa inyo. 45 Sa ganito kayo magiging mga anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa kapwa masama at mabuti, at pinapapatak niya ang ulan sa kapwa makatarungan at di-makatarungan.

46 Kung mahal ninyo ang nagmamahal sa inyo, bakit kayo gagantimpalaan? Di ba’t ginagawa rin ito ng mga kolektor ng buwis? 47 At kung ang mga kapatid ninyo lamang ang inyong binabati, ano ang naiiba rito? Di ba’t ginagawa rin ito ng mga pagano?

48 Kaya maging ganap kayo gaya ng pagiging ganap ng inyong Amang nasa langit. 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: