Daily Gospel - 13 Marso 2023

 

Talagang sinasabi ko: walang propetang katanggap-tanggap sa sarili niyang bayan. (Lucas 4:24)

Pagbasa: 2 Hari 5:1-15; Salmo: Awit 42:2–43:4;

Mabuting Balita: Lucas 4:24-30


24 At idinagdag niya: “Talagang sinasabi ko: walang propetang katanggap-tanggap sa sarili niyang bayan. 25 Tinitiyak ko sa inyo na maraming babaeng balo noon sa kapanahunan ni Elias nang sarhan ang langit sa loob ng tatlo’t kalahating taon at nagkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. 26 Gayon pa ma’y hindi ipinadala si Elias sa isa man sa kanila kundi sa babaeng balo ng Sarepta sa may Sidon. 27 Marami ring may ketong sa Israel sa kapanahunan ni Propeta Eliseo pero wala sa kanilang pinagaling kundi ang Siriong si Naaman.”

28 Napuno ng galit ang lahat sa sinagoga pagkarinig dito, 29 tumindig sila at ipinagtulakan siya sa labas ng bayan. Dinala nila siya sa gilid ng burol na kinatatayuan ng kanilang bayan para ihulog. 30 Ngunit dumaan siya sa gitna nila at umalis. 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: