Pagbasa: Hebreo 11:1-7; Salmo: Awit 145:2-11;
Mabuting Balita: Marcos 9:2-132 Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Jaime at Juan, at umakyat na sila lamang ang kasama sa isang mataas na bundok. At nagbago ang anyo ni Jesus sa harap nila 3 at kuminang na puting-puti ang kanyang damit, na walang makapaglalabang simputi niyon sa lupa. 4 At napakita sa kanila sina Elias at Moises na nakikipag-usap kay Jesus.
5 Kaya nagsalita si Pedro at kanyang sinabi: “Panginoon, mabuti at narito tayo. Gagawa kami ng tatlong kubol: isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias.” 6 Nasindak sila kaya hindi niya malaman kung ano ang sasabihin.
7 At may ulap na lumilim sa kanila. At narinig mula sa ulap ang salitang ito: “Ito ang aking Anak, ang Minamahal, pakinggan ninyo siya.” 8 At biglang-bigla, pagtingala nila, wala silang nakita liban kay Jesus na kasama nila.
9 At pagbaba nila mula sa bundok, inutusan niya sila na huwag sabihin kaninuman ang nakita nila hanggang makabangon ang Anak ng Tao mula sa mga patay. 10 Iningatan nila ang bagay na ito sa kanilang sarili pero nagtanungan sila kung ano ang pagbangon mula sa mga patay.
11 Tinanong naman nila siya: “Bakit sinasabi ng mga guro ng Batas na dapat munang pumarito si Elias?” 12 At sinabi niya: “Mauuna ngang dumating si Elias para ayusin ang lahat ng bagay. Ngunit bakit naman nasusulat tungkol sa Anak ng Tao na dapat siyang magtiis nang marami at lapastanganin? 13 Sinasabi ko sa inyo na dumating na si Elias at pinakitunguhan nila siya ayon sa kanilang kagustuhan, tulad ng nasusulat.”