Daily Gospel - 27 Marso 2023

 

Sinabi ni Jesus: “Hindi rin kita hahatulan. Humayo ka at mula ngayo’y, huwag nang magkasala pa.” (Juan 8:11)
Pagbasa: Daniel 13:1-62*; Salmo: Awit 23:1-6;
Mabuting Balita: Juan 8:1-11

1 Pumunta naman si Jesus sa Bundok ng mga Olibo. 2 Maaga siyang muli sa Templo, at naglapitan sa kanya ang lahat ng tao, at pagkaupo niya’y, nangaral siya sa kanila. 

3 Dinala naman ng mga guro ng Batas at ng mga Pariseo ang isang babaeng huling-huli sa pakikiapid. Pinatayo nila siya sa gitna, 4 at sinabi nila kay Jesus: "Guro, huling-huli sa akto ang baba¬eng ito na nakikiapid. 5 Iniutos sa amin ni Moises sa Batas na batuhin ang ganitong mga babae; ano naman ang sabi mo?” 6 Sinabi nila ito bilang pagsubok sa kanya upang may maiparatang sila sa kanya.
Yumuko naman si Jesus at nagsulat sa lupa sa pamamagitan ng kanyang daliri. 7 Nang magpatuloy sila sa pagtatanong sa kanya, tumindig siya at sinabi sa kanila: “Ang walang sala sa inyo ang unang bu¬mato sa kanya.” 8 At muli siyang yumuko at nagsulat sa lupa. 

9 Ang mga nakarinig nama’y isa-isang nag-alisan mula sa matatanda, at naiwan siyang mag-isa pati ang babae na nasa gitna. 10 Tumindig si Jesus, at sinabi sa kanya, “Babae, nasaan sila? Wala bang humatol sa iyo?” 11 At sinabi niya: “Wala, Panginoon.” Sinabi ni Jesus: “Hindi rin kita hahatulan. Humayo ka at mula ngayo’y, huwag nang magkasala pa.”

*Awit ng Tatlong Kabataan sa ibang salin

Mga kasulyap-sulyap ngayon: