Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
27 Marso 2022
I-click po dito para mabasa ang Ebanghelyo.
(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 10 Marso 2013.)
Pamilyar sa atin ang mga linyang ito:
"Sobrang laki ng kasalanan ko para mapatawad pa 'ko!"
"Kahiya-hiya na 'ko sa Diyos!"
"Malabo na 'kong patawarin ng Diyos!"
"Malabo nang makapagbago ang isang katulad ko!"
Walang katotohanan ang alinman sa mga linyang ito. Period.
Ang talinghaga ng alibughang anak ang isa sa pinakamaramdaming paglalarawan ng pag-ibig ng Diyos sa atin.
Nagkasala tayo. Nilayuan natin Siya. Itinakwil natin Siya bilang ating Ama. Sukdulang ipamukha natin sa Kanyang pag-aari natin ang buhay natin. Gagawin natin kung ano ang gusto nating gawin.
Sinayang natin ang buhay natin sa pagpapakasarap dahil iniisip nating masarap ang bawal. Kinalimutan natin Siya. Hindi kinilala. Sukdulang nagpakarumi tayo. Katulad ng alibughang anak na nagpakababa. Nagtrabaho sa babuyan at kumain ng pagkain ng baboy-- ng pagkain ng hayop.
Narito tayo ngayon. Nasa harap ng computer o ng cellphone natin as the case maybe. Nag-iisip. Saan ba patungo ang buhay natin? Ano ba ang kahulugan ng lahat ng ating pagpapakapagod? Sa loob natin, alam nating parang may maliit na espasyo. Parang may kulang. Patuloy tayong naghahanap ng kahulugan, ng patutunguhan, ng kabuluhan.
Kahit na nasa gitna tayo ng napakaraming tao, may mga pagkakataong akala natin nag-iisa pa rin tayo. Takot mag-isa. Takot maiwanan.
Ganito ang buhay natin. Ganito ang buhay mo.
Ang hindi mo alam, isang Ama ang patuloy na naghihintay sa iyong pagbabalik. Naroon Siyang lagi sa iyong tabi. Sa panahon man ng tuwa o kalungkutan. Sa tagumpay at kabiguan. Habang nasa kadiliman ka, naroon Siyang nagbibigay ng liwanag. Pilit kang kinakalma habang hinaharap mo ang mga pinakamatinding bagyo sa iyong buhay.
Kahit kailan ay hindi ka Niya ikinahiya. Hindi ka Niya kayang tiisin. Humingi ka at ikaw ay bibigyan. Humanap ka at ikaw ay makasusumpong. Kumatok ka at ikaw ay pagbubuksan. Mahalaga ka sa Kanya. Inaangkin ka Niyang anak kahit sino ka pa.
Kailan ka magbabalik sa Kanyang piling? Masyado ka nang matagal na lumayo sa Kanya. Miss na miss ka na Niya. Kailan ka ba Niya muling mayayakap? Kailan ka ba babalik?
Desisyon. Desisyong dapat mong gawin ngayon. Hindi bukas. Hindi sa makalawa. Dahil Siya, matagal na Niyang napagdesisyunang hihintayin ka Niya. Kahit hanggang kailan. Sana nga lang magawa mo ito bago mahuli ang lahat.
Pero kahit ano pa ang mangyari, may isang Diyos na nagmamahal sa iyo. Mahal na mahal ka Niya kahit ano pa ang iyong nakaraan o anuman ang iyong ngayon.
Panalangin:
O Diyos Amang patuloy na nagmamahal sa amin. Narito po kaming mga anak Mo, nagbabalik sa Inyong mapagpalang piling.
Hinihingi po namin ang Inyong kapatawaran sa lahat ng mga nagawa naming kasalanan. Naging suwail kaming mga anak subalit hindi Ka kailanman huminto sa pag-ibig sa amin. Alam po naming hindi kami karapat-dapat sa aming hinihinging kapatawaran pero hayaan po naming mapunuan ng Iyong pag-ibig ang aming mga pagkukulang.
Panginoon, namatay sa krus ang Iyong Bugtong na Anak, hatid para sa amin ang paglilinis upang makamit namin ang buhay. Namatay kami nang kami'y magkasala, inaangkin naming muli kaming nabuhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesus. Siya ang Kordero ng Diyos, ang nakawawala ng aming kasalanan.
Batid po naming hindi magiging madali ang aming pagtahak sa daan pabalik sa Iyo. Bigyan Mo po kami ng katatagan at katapangan sa aming desisyong muling lumapit sa Iyo.
Sa Iyong mga yakap, inihihimlay namin ang lahat ng aming naisin, pangarap, pag-asa, problema at takot. Ang aming isip, puso, kaluluwa at buong pagkatao ay ipinagkakatiwala namin sa Inyo.
Sa pamamagitan ni Hesus, nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan. Amen.