01 - 07 Hunyo 2014



01-Linggo 02-Lunes 03-Martes 04-Miyerkules 05-Huwebes 06-Biyernes 07-Sabado

01 Hunyo 2014
Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa. 

(Unang Pagbasa: Gawa 1:1-11; Salmo: Awit 47:2-3. 6-9; Ikalawang Pagbasa: Efeso 1:17-23; Mabuting Balita: Mateo 28:16-20)
I-click po dito para sa Gospel Reflection. 

"Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo." (Mateo 28:18-19)

_________________________________________

02 Hunyo 2014

Pagbasa: Gawa 19:1-8; Salmo: 68:2-7;
Mabuting Balita: Juan 16:29-33

29 Sinabi ng kanyang mga alagad, Ngayon po'y tuwiran na ang inyong pangungusap sa amin at hindi na patalinhaga! 30 Ngayon alam na po naming alam ninyo ang lahat ng bagay, at hindi na kailangang tanungin pa kayo ninuman. Dahil dito, naniniwala po kami na kayo'y mula sa Diyos.

31 Sumagot si Jesus, Talaga bang naniniwala na kayo? 32 Darating ang oras, at ngayon na nga, na magkakawatak-watak kayo. Magkakanya-kanya kayo ng lakad, at iiwanan ninyo ako. Gayunman, hindi ako tunay na nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. 33 Sinabi ko ito sa inyo upang kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!

03 Hunyo 2014
Pagbasa: Gawa 20:17-27; Salmo: 68:10-21;
Mabuting Balita: Juan 17:1-11

1 Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya. 2 Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa sangkatauhan upang bigyan ko ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa Anak. 3 Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo. 4 Inihayag ko sa lupa ang iyong karangalan; natapos ko na ang ipinapagawa mo sa akin. 5 Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang daigdig.

6 Ipinakilala na kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa daigdig. Sila'y iyo at ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang iyong salita. 7 Alam na nila na ang lahat ng ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo; 8 dahil itinuro ko sa kanila ang mga aral na ibinigay mo sa akin, at tinanggap naman nila. Natitiyak nilang ako'y tunay na galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga ang nagsugo sa akin.

9 Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko, kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo. 10 Ang lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay sa akin; at napaparangalan ako sa pamamagitan nila. 11 At ngayon, ako'y papunta na sa iyo; iiwanan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila'y maging isa. 

04 Hunyo 2014
Pagbasa: Gawa 20:28-38; Salmo: 68:29-36;
Mabuting Balita: Juan 17:11-19

11 At ngayon, ako'y papunta na sa iyo; iiwanan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila'y maging isa. 12 Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin. Pinangalagaan ko sila at walang napahamak sa kanila, maliban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang kasulatan. 13 Ngunit ngayon, ako'y papunta na sa iyo, at sinasabi ko ito habang ako'y nasa sanlibutan pa upang mapuspos sila ng aking kagalakan. 14 Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita, at kinapootan sila ng mga tao sa sanlibutang ito, sapagkat hindi na sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi taga-sanlibutan. 15 Hindi ko idinadalanging kunin mo sila sa daigdig na ito, kundi iligtas mo sila sa Masama! 16 Hindi sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi rin taga-sanlibutan. 17 Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ang katotohanan. 18 Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin naman, isinusugo ko sila sa sanlibutan. 19 At alang-alang sa kanila'y itinalaga ko sa iyo ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.

05 Hunyo 2014
Pagbasa: Gawa 22:30-23:11; Salmo: 16:1-11;
Mabuting Balita: Juan 17:20-26

20 Hindi lamang sila ang idinadalangin ko; idinadalangin ko pati ang mga mananalig sa akin dahil sa pahayag ng aking mga tagasunod. 21 Ama, maging isa nawa silang lahat. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayundin naman, maging isa nawa sila sa atin upang ang mga tao sa daigdig ay maniwala na ikaw ang nagsugo sa akin. 22 Ibinigay ko na sa kanila ang karangalang ibinigay mo sa akin upang sila'y ganap na maging isa, tulad mo at ako na iisa. 23 Ako'y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. Dahil dito, makikilala ng mga tao sa daigdig na isinugo mo ako at sila'y minamahal mo, katulad ng pagmamahal mo sa akin.

24 Ama, sila ay ibinigay mo sa akin at nais kong makasama sila sa kinaroroonan ko upang makita nila ang karangalang ibinigay mo sa akin, sapagkat minahal mo na ako bago pa nilikha ang daigdig. 25 Mapagmahal na Ama, hindi ka kilala ng mga tao sa daigdig, ngunit kilala kita, at alam rin ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. 26 Ipinakilala na kita sa kanila, at patuloy kitang ipapakilala, upang ang pagmamahal mo sa akin ay manatili sa kanila, at ako ay manatili rin sa kanila.

06 Hunyo 2014
Pagbasa: Gawa 25:13-21; Salmo: 103:1-20;
Mabuting Balita: Juan 21:15-19

15 Pagkakain nila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?

Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo, tugon niya.

Sinabi sa kanya ni Jesus, Kung gayon pakainin mo ang aking mga tupa. 16 Muli siyang tinanong ni Jesus, Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?

Sumagot si Pedro, Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo. Sabi ni Jesus, Alagaan mo ang aking mga tupa.

17 Pangatlong ulit na tinanong siya ni Jesus, Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?

Nalungkot si Pedro sapagkat tatlong beses siyang tinanong ng, Mahal mo ba ako?

At sumagot siya, Panginoon, alam po ninyo ang lahat ng bagay; alam ninyong mahal ko kayo.

Sinabi sa kanya ni Jesus, Pakainin mo ang aking mga tupa. 18 Pakatandaan mo: noong bata ka pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili at pumupunta ka kung saan mo gusto. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong mga kamay at iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka sa lugar na di mo gusto. 19 Sinabi niya ito upang ipahiwatig kung paanong mamamatay si Pedro at kung paano niya pararangalan ang Diyos. Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Jesus, Sumunod ka sa akin!

07 Hunyo 2014
Pagbasa: Gawa 28:16-31; Salmo: 11:4-7;
Mabuting Balita: Juan 21:20-25

20 Lumingon si Pedro at nakita niyang kasunod niya ang alagad na minamahal ni Jesus, ang siyang humilig sa dibdib ni Jesus nang sila'y naghahapunan at nagtanong, Panginoon, sino po ang magkakanulo sa inyo? 21 Nang makita siya ni Pedro ay tinanong nito si Jesus, Panginoon, paano po naman ang taong ito?

22 Sumagot si Jesus, Kung nais kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano sa iyo? Sumunod ka sa akin! 23 Kumalat sa mga mananampalataya ang balitang hindi mamamatay ang alagad na ito. Ngunit hindi naman sinabi ni Jesus na hindi siya mamamatay, kundi, Kung nais kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano sa iyo?

24 Siya ang alagad na nagpapatotoo tungkol sa mga bagay na ito; siya rin ang sumulat ng mga ito at alam naming totoo ang kanyang pahayag.

25 At marami pang ginawa si Jesus na kung isusulat lahat, inaakala kong hindi magkakasya kahit sa buong daigdig ang mga aklat na maisusulat tungkol dito.

01-Linggo 02-Lunes 03-Martes 04-Miyerkules 05-Huwebes 06-Biyernes 07-Sabado

Mga kasulyap-sulyap ngayon: