07 - 13 Disyembre 2014



Sinabi naman ni Maria: “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” (Lucas 1:38)

07-Linggo 08-Lunes 09-Martes 10-Miyerkules 11-Huwebes 12-Biyernes 13-Sabado

_________________________________________
07 Disyembre 2014
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa. (Unang Pagbasa: Isaias 40:1-5.9-11; Salmo: Awit 85:9-10. 11-12. 13-14; Ikalawang Pagbasa: 2 Pedro 3:8-14; Mabuting Balita: Marcos 1:1-8)
I-click po dito para sa Gospel Reflection.

‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!’ (Marcos 1:3)

_________________________________________

08 Disyembre 2014

Unang Pagbasa: Genesis 3:9-20; Salmo: Awit 98:1-4;
Ikalawang Pagbasa: Efeso 1:3-12
Mabuting Balita: Lucas 1:26-38

26 Sa ikanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. 27 Sinugo ito sa isang birhen na ipinagkasundo na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria naman ang pangalan ng birhen.


28 Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng grasya, sumasaiyo ang Panginoon.” 29 Nabagabag naman si Maria dahil sa pananalitang ito at pinagwari kung ano ang pagbating ito.


30 At sinabi ng anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang niloloob ang Diyos para sa iyo. 31 At ngayo’y maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na pangangalanan mong Jesus. 32 Magiging dakila siya at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninunong si David. 33 Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman; talaga ngang walang katapusan ang kanyang paghahari.”


34 Sinabi ni Maria sa anghel: “Paanong mangyayari ito gayong di ako ginagalaw ng lalaki?” 35 At sumagot sa kanya ang anghel: “Papanaog sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya magiging banal ang isisilang at tatawaging Anak ng Diyos. 36 At nagdalantao naman ngayon ang pinsan mong si Elizabeth sa kabila ng kanyang katandaan, at siyang itinuturing na baog ay nasa ikaanim na buwan na. 37 Wala ngang imposible sa Diyos.”


38 Sinabi naman ni Maria: “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.

09 Disyembre 2014
Unang Pagbasa: Isaias 40:1-11; Salmo: Awit 96:1-13;
Mabuting Balita: Mateo 18:12-14

12 Ano sa palagay ninyo? Kung may sandaang tupa ang isang tao at naligaw ang isa sa mga ito, hindi ba niya iiwan sa kaburulan ang siyamnapu’t siyam para hanapin ang naliligaw? 13 At sinasabi ko sa inyo: Kapag nakita niya ito, mas matutuwa pa siya rito kaysa siyamnapu’t siyam na hindi naligaw. 14 Gayundin naman, ayaw ng inyong Amang nasa Langit na mawala isa man sa maliliit na ito.


10 Disyembre 2014

Unang Pagbasa: Isaias 40:25-31; Salmo: Awit 103:1-10;
Mabuting Balita: Mateo 11:28-30

28 "Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawahin ko kayo. 29 Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin, akong mahinahon at mababang-loob, at makakatagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. 30 Sapagkat mahusay ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.”


11 Disyembre 2014

Unang Pagbasa: Isaias 41:13-20; Salmo: Awit 145:1-13;
Mabuting Balita: Mateo 11:11-15

11 Talagang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juang tagapagbinyag, pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa kaharian ng Langit. 12 Mula sa panahon ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng Langit ay kailangang agawin, at ang mga buo ang loob ang umaagaw nito. 


13 Pagpopropesiya nga lamang ang panahon ng Mga Propeta at ng Batas hanggang kay Juan. 14 At kung gusto ninyo itong tanggapin, si Juan ang Elias na darating. 15 Makinig ang may tainga.


12 Disyembre 2014
Unang Pagbasa: Zacarias 2:14-17; Salmo: Judit 13:18-19;
Mabuting Balita: Lucas 1:26-38

26 Sa ikanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. 27 Sinugo ito sa isang birhen na ipinagkasundo na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria naman ang pangalan ng birhen.


28 Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng grasya, sumasaiyo ang Panginoon.” 29 Nabagabag naman si Maria dahil sa pananalitang ito at pinagwari kung ano ang pagbating ito.


30 At sinabi ng anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang niloloob ang Diyos para sa iyo. 31 At ngayo’y maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na pangangalanan mong Jesus. 32 Magiging dakila siya at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninunong si David. 33 Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman; talaga ngang walang katapusan ang kanyang paghahari.”


34 Sinabi ni Maria sa anghel: “Paanong mangyayari ito gayong di ako ginagalaw ng lalaki?” 35 At sumagot sa kanya ang anghel: “Papanaog sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya magiging banal ang isisilang at tatawaging Anak ng Diyos. 36 At nagdalantao naman ngayon ang pinsan mong si Elizabeth sa kabila ng kanyang katandaan, at siyang itinuturing na baog ay nasa ikaanim na buwan na. 37 Wala ngang imposible sa Diyos.”


38 Sinabi naman ni Maria: “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.

13 Disyembre 2014

Unang Pagbasa: Sirac 48:1-11; Salmo: Awit 80:2-19;
Mabuting Balita: Mateo 17:10-13

10 Tinanong naman siya ng mga alagad: “Bakit sinasabi ng mga guro ng Batas na dapat munang pumarito si Elias?” 11 At sumagot si Jesus: “Dapat nga munang dumating si Elias para ayusin ang lahat ng bagay.  12 Ngunit sinasabi ko sa inyo na dumating na si Elias pero hindi nila siya nakilala, at pinakitunguhan nila siya ayon sa kanilang kagustuhan. At sa gayon ding paraan magdurusa ang Anak ng Tao sa kamay nila.”


13 At naunawaan ng mga alagad na si Juan Bautista ang tinutukoy ni Jesus.

07-Linggo 08-Lunes 09-Martes 10-Miyerkules 11-Huwebes 12-Biyernes 13-Sabado

Mga kasulyap-sulyap ngayon: