13 Abril 2014
Linggo Ng Palaspas
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa.
(Pagbabasbas ng Palaspas: Mateo 21:1-11; Unang Pagbasa: Isaias 50:4-7; Salmo: Awit 22:8-9. 17-18. 19-20. 23-24; Ikalawang Pagbasa: Filipos 2:6-11; Mabuting Balita: Mateo 27:11-54)
I-click po dito para sa Gospel Reflection.
"Purihin ang anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Diyos!" (Mateo 21:9)
_________________________________________
14 Abril 2014
Pagbasa: Isaias 42:1-7; Salmo: Awit 27:1-14;
Mabuting Balita: Juan 12:1-11
1 Anim na araw bago sumapit ang Pista ng Paskwa, si Jesus ay nagpunta sa Bethania, ang bayan ni Lazaro na kanyang muling binuhay. 2 Isang hapunan ang inihanda roon para sa kanya. Si Lazaro ay isa sa mga kasalo ni Jesus samantalang si Marta naman ay tumutulong sa paglilingkod sa kanila. 3 Kumuha naman si Maria ng isang bote ng mamahaling pabangong galing sa katas ng dalisay na nardo, at ibinuhos sa mga paa ni Jesus. Pagkatapos, pinunasan niya ito ng kanyang buhok. At humalimuyak sa buong bahay ang amoy ng pabango. 4 Ito'y pinuna ni Judas Iscariote, ang alagad na magkakanulo sa kanya. Sinabi niya, 5 Bakit hindi na lamang ipinagbili ang pabango at ibinigay sa mga dukha ang pinagbilhan? Maaaring umabot sa tatlong daang salaping pilak ang halaga ng pabangong iyan! 6 Sinabi iyon ni Judas, hindi dahil sa siya'y may malasakit sa mga dukha, kundi dahil sa siya'y magnanakaw. Siya ang nag-iingat ng kanilang salapi, at ninanakawan niya ito.
7 Ngunit sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo siya! Hayaan ninyong gawin niya ito bilang paghahanda para sa paglilibing sa akin. 8 Habang panaho'y kasama ninyo ang mga mahihirap, ngunit ako'y hindi ninyo kasama habang panahon.
9 Nabalitaan ng maraming Judio na si Jesus ay nasa Bethania kaya't nagpunta sila roon upang makita siya at si Lazaro, na kanyang muling binuhay. 10 Kaya't binalak ng mga punong pari na ipapatay din si Lazaro, 11 sapagkat dahil sa kanya'y maraming Judio ang humihiwalay na sa kanila at sumasampalataya kay Jesus.
15 Abril 2014
Pagbasa: Isaias 49:1-6; Salmo: Awit 71:1-17;
Mabuting Balita: Juan 13:21-33. 36-38
21 Pagkasabi nito, si Jesus ay labis na nabagabag at nagpahayag sa kanila, Pakatandaan ninyo: ako'y pagtataksilan ng isa sa inyo.
22 Nagsimulang magtinginan ang mga alagad sapagkat hindi nila alam kung sino ang kanyang tinutukoy. 23 Katabi noon ni Jesus ang alagad na minamahal niya, 24 kaya't sinenyasan siya ni Simon Pedro at sinabihan, Itanong mo nga kung sino ang tinutukoy niya. 25 Humilig ang alagad na ito sa dibdib ni Jesus at nagtanong, Panginoon, sino po ba iyon?
26 Siya ang taong aabutan ko ng tinapay na aking isinawsaw, sagot ni Jesus. Nagsawsaw nga siya ng tinapay at ibinigay iyon kay Judas na anak ni Simon Iscariote. 27 Nang matanggap ni Judas ang tinapay, pumasok sa kanya si Satanas. Sinabi ni Jesus kay Judas, Gawin mo na ang dapat mong gawin. 28 Walang sinuman sa mga kasalo ni Jesus ang nakaunawa kung bakit niya sinabi iyon. 29 Dahil si Judas ang may hawak ng kanilang salapi, akala nila'y pinapabili siya ni Jesus ng kakailanganin nila sa pagdiriwang, o kaya'y pinapabigyan niya ng limos ang mga dukha.
30 Nang makain na ni Judas ang tinapay, kaagad itong umalis. Noon ay gabi na.
31 Pagkaalis ni Judas ay sinabi ni Jesus, Ngayo'y mahahayag na ang karangalan ng Anak ng Tao, at sa pamamagitan niya ay mahahayag din ang karangalan ng Diyos. 32 At kapag nahayag na ang karangalan ng Diyos sa pamamagitan ng Anak ng Tao, a ang Diyos naman ang maghahayag ng karangalan ng Anak, at ito'y gagawin niya agad. 33 Mga anak, kaunting panahon na lamang ninyo akong makakasama. Hahanapin ninyo ako, ngunit sinasabi ko sa inyo ngayon ang sinabi ko noon sa mga Judio, Hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko.
36 Saan po kayo pupunta, Panginoon? tanong ni Simon Pedro. Sumagot si Jesus, Sa pupuntahan ko'y hindi ka makakasunod ngayon, ngunit susunod ka pagkatapos.
37 Sumagot si Pedro, Bakit po hindi ako makakasunod sa inyo ngayon? Buhay ko ma'y iaalay ko para sa inyo.
38 Sumagot si Jesus, Iaalay mo ang iyong buhay dahil sa akin? Pakatandaan mo: bago tumilaok ang manok, tatlong beses mo akong ikakaila.
16 Abril 2014
Pagbasa: Isaias 50:4-9; Salmo: Awit 69:8-34;
Mabuting Balita: Mateo 26:14-25
14 Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong pari. 15 "Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Jesus?" tanong niya. Noon di'y binayaran nila si Judas ng tatlumpung pirasong pilak. 16 Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Jesus.
17 Dumating ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, "Saan po ninyo nais na maghanda kami ng hapunang pampaskwa?"
18 Sumagot siya, "Puntahan ninyo sa lunsod ang isang tao at sabihin ninyo sa kanya, 'Ipinapasabi po ng Guro na sumapit na ang kanyang oras. Siya at ang mga alagad niya'y sa bahay ninyo kakain ng hapunang pampaskwa.' "
19 Sinunod ng mga alagad ang utos ni Jesus, at doo'y inihanda nga nila ang hapunang pampaskwa.
20 Nang gabing iyon, dumulog sa mesa si Jesus, kasama ang Labindalawa. a 21 Sinabi ni Jesus habang sila'y kumakain, "Tandaan ninyo, ako'y pagtataksilan ng isa sa inyo!"
22 Nanlumo ang mga alagad, at isa-isang nagtanong sa kanya, "Hindi ako iyon, di po ba, Panginoon?"
23 Sumagot si Jesus, "Ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin. 24 Mamamatay ang Anak ng Tao ayon sa nasusulat tungkol sa kanya subalit kahabag-habag ang taong magkakanulo sa kanya! Mabuti pa sa taong iyon ang hindi na siya ipinanganak!"
25 Si Judas na magkakanulo sa kanya ay nagtanong din, "Guro, ako po ba?" Sumagot si Jesus, "Ikaw na ang nagsabi."
_________________________________________
17 Abril 2014Huwebes Santo
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa.
(Unang Pagbasa: Exodo 12:1-8. 11-14; Salmo: Awit 116:12-13. 15-16. 17-18; Ikalawang Pagbasa: 1 Corinto 11:23-26; Mabuting Balita: Juan 13:1-15)
Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo, sapagkat ako nga iyon. Dahil akong Panginoon at Guro ninyo ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din ninyong gawin ito sa isa't isa. (Juan 13:13-14)
_________________________________________
18 Abril 2014
Biyernes Santo
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa.
(Unang Pagbasa: Isaias 52:13-53:12; Salmo: Awit 31:2. 6. 12-13. 15-16. 17. 25; Ikalawang Pagbasa: Hebreo 4:14-16; 5:7-9; Mabuting Balita: Juan 18:1-19:42)
"Nauuhaw ako!" (Juan 19:28)
Biyernes Santo
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa.
(Unang Pagbasa: Isaias 52:13-53:12; Salmo: Awit 31:2. 6. 12-13. 15-16. 17. 25; Ikalawang Pagbasa: Hebreo 4:14-16; 5:7-9; Mabuting Balita: Juan 18:1-19:42)
"Nauuhaw ako!" (Juan 19:28)
_________________________________________
19 Abril 2014
Pagbasa: Genesis 1:1-2:2; Salmo: 104:1-35;
Pagbasa: Genesis 1:1-2:2; Salmo: 104:1-35;
Ikalawang Pagbasa: Genesis 22:1-18
Mabuting Balita: Mateo 28:1-10
Mabuting Balita: Mateo 28:1-10
1 Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, sa pagbubukang-liwayway nang unang araw ng sanlinggo, lumakad si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan ni Jesus. 2 Biglang lumindol nang malakas. Bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan at umupo sa ibabaw niyon. 3 Ang kanyang mukha ay nakakasilaw na parang kidlat at puting-puti ang kanyang damit. 4 Nanginig sa takot ang mga bantay nang makita ang anghel, at sila'y nabuwal na parang mga patay. 5 Ngunit sinabi ng anghel sa mga babae, "Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. 6 Wala na siya rito sapagkat siya'y muling nabuhay gaya ng kanyang sinabi. Halikayo't tingnan ninyo ang pinaglibingan sa kanya. 7 Magmadali kayo at ibalita sa kanyang mga alagad na siya'y muling nabuhay! At papunta na siya sa Galilea. Makikita ninyo siya roon! Iyan ang balitang hatid ko sa inyo."
8 At dali-dali nga silang umalis sa libingan na may magkahalong takot at galak, at patakbong pumunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari.
9 Ngunit sinalubong sila ni Jesus at sinabi, "Magalak kayo!" Lumapit sila sa kanya, hinawakan ang kanyang mga paa at sinamba siya. 10 Sinabi sa kanila ni Jesus, "Huwag kayong matakot! Magmadali kayo't sabihin sa mga kapatid ko na pumunta sila sa Galilea, at makikita nila ako roon!"
13-Linggo
14-Lunes
15-Martes
16-Miyerkules
17-Huwebes
18-Biyernes
19-Sabado8 At dali-dali nga silang umalis sa libingan na may magkahalong takot at galak, at patakbong pumunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari.
9 Ngunit sinalubong sila ni Jesus at sinabi, "Magalak kayo!" Lumapit sila sa kanya, hinawakan ang kanyang mga paa at sinamba siya. 10 Sinabi sa kanila ni Jesus, "Huwag kayong matakot! Magmadali kayo't sabihin sa mga kapatid ko na pumunta sila sa Galilea, at makikita nila ako roon!"