27 Abril 2014
Ikalawang Linggo Ng Pasko Ng Muling Pagkabuhay
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa.
(Unang Pagbasa: Gawa 2:42-47; Salmo: Awit 118:2-4. 13-15. 22-24; Ikalawang Pagbasa: 1 Pedro 1:3-9; Mabuting Balita: Juan 20:19-31)
I-click po dito para sa Gospel Reflection.
"Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita." (Juan 20:29)
_________________________________________
Pagbasa: Gawa 4:23-31; Salmo: Awit 2:1-9;
Mabuting Balita: Juan 3:1-8
1 May isang iginagalang na pinuno ng mga Judio. Siya ay si Nicodemo. Kabilang din siya sa grupo ng mga Pariseo. 2 Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, Guro, nalalaman po naming kayo'y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos.
3 Sumagot si Jesus, Pakatandaan mo: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.
4 Paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makakapasok pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling isilang?tanong ni Nicodemo.
5 Sagot naman ni Jesus, Pakatandaan mo: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi ito makakapasok sa kaharian ng Diyos. 6 Ang taong ipinanganak ayon sa laman ay laman, at ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay espiritu. 7 Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli. 8 Umiihip ang hangin kung saan nito nais at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. Ganoon din ang bawat ipinanganak ayon sa Espiritu.
29 Abril 2014
Pagbasa: Gawa 4:32-37; Salmo: Awit 93:1-5;
Mabuting Balita: Juan 3:7-15
7 Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli. 8 Umiihip ang hangin kung saan nito nais at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. Ganoon din ang bawat ipinanganak ayon sa Espiritu.
9 Puwede po bang mangyari iyon? tanong ni Nicodemo.
10 Sumagot si Jesus, Guro ka pa naman sa Israel, hindi mo nauunawaan ang mga bagay na ito? 11 Pakatandaan mo: ang sinasabi namin ay nalalaman namin, at ang pinapatotohanan namin ay nasaksihan namin, subalit hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo. 12 Kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang mga sinasabi ko tungkol sa mga bagay dito sa mundo, paano pa ninyo mapapaniwalaan ang sasabihin ko tungkol sa mga bagay doon sa langit? 13 Wala pang sinumang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit, ang Anak ng Tao.
14 At kung paanong itinaas ni Moises ang tansong ahas doon sa ilang, gayundin naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, 15 upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
30 Abril 2014
Pagbasa: Gawa 5:17-26; Salmo: Awit 34:2-9;
Mabuting Balita: Juan 3:16-21
16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17 Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa pamamagitan niya.
18 Hindi hinahatulang maparusahan ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos. 19 Ganito ang paghatol ng Diyos: naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat ang kanilang mga gawain ay masasama. 20 Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa. 21 Ngunit ang namumuhay ayon sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang maihayag na ang mga ginagawa niya ay pagsunod sa Diyos.
01 Mayo 2014
Pagbasa: Genesis 1:26-2:3; Salmo: Awit 90:2-16;
Ikalawang Pagbasa: Colosas 3:14-24
Mabuting Balita: Mateo 13:54-58
54 Umuwi siya sa kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya, kaya't kanilang itinanong, "Saan kumuha ng ganyang karunungan ang taong iyan? Paano siya nakakagawa ng mga himala? 55 Hindi ba siya ay anak ng isang karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid? 56 At tagarito rin ang kanyang mga kapatid na babae, di ba? Saan kaya niya natutuhan ang lahat ng iyan?" 57 At siya'y hindi nila pinaniwalaan.
Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang isang propeta'y iginagalang kahit saan maliban sa kanyang sariling bayan at sariling sambahayan." 58 At dahil ayaw nilang maniwala kay Jesus, hindi siya roon gumawa ng maraming himala.
02 Mayo 2014
Pagbasa: Gawa 5:34-42; Salmo: Awit 27:1-14;
Mabuting Balita: Juan 6:1-15
1 Pagkatapos nito, tumawid si Jesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias. 2 Sinundan siya ng napakaraming tao sapagkat nakita nila ang pagpapagaling niya sa mga maysakit. 3 Umakyat si Jesus sa bundok kasama ang kanyang mga alagad at naupo roon. 4 Noon ay malapit na ang Paskwa ng mga Judio. 5 Tumanaw si Jesus at nang makita niyang dumarating ang napakaraming tao, tinanong niya si Felipe, Saan kaya tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito? 6 Sinabi niya iyon upang subukin si Felipe, sapagkat alam na niya ang kanyang gagawin.
7 Sumagot naman si Felipe, Kahit na po halagang dalawandaang salaping pilak a ng tinapay ay di sasapat para makakain sila nang tigkakaunti.
8 Sinabi ni Andres na isa sa kanyang mga alagad at kapatid ni Simon Pedro, 9 Mayroon po ritong isang batang lalaki na may dalang limang tinapay at dalawang isda. Subalit sasapat kaya ang mga ito?
10 Paupuin ninyo ang mga tao, sabi ni Jesus. Madamo sa lugar na iyon. Umupo nga ang lahat, humigit-kumulang sa limanlibo ang mga lalaki. 11 Kinuha ni Jesus ang tinapay at matapos magpasalamat sa Diyos ay ipinamahagi iyon sa mga tao. Gayundin ang ginawa niya sa isda. Nakakain ang lahat at nabusog. 12 Nang makakain na ang mga tao, sinabi ni Jesus sa mga alagad, Ipunin ninyo ang lumabis nang di masayang. 13 Ganoon nga ang ginawa nila, at nakapuno sila ng labindalawang kaing.
14 Nang makita ng mga tao ang himalang ginawa ni Jesus, sinabi nila, Tunay na ito ang Propetang paparito sa sanlibutan! 15 Nahalata ni Jesus na lalapit ang mga tao at pipilitin siyang gawing hari, kaya't umalis siyang muli at mag-isang umakyat sa bundok.
03 Mayo 2014
Pagbasa: 1 Corinto 15:1-8; Salmo: Awit 19:2-5;
Mabuting Balita: Juan 14:6-14
6 Sumagot si Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. 7 Kung ako'y kilala ninyo, a kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyo nang nakita.
8 Sinabi sa kanya ni Felipe, Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami.
9 Sumagot si Jesus, Felipe, kaytagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo'y hindi mo pa ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing Ipakita mo sa amin ang Ama? 10 Hindi ka ba naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nasa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain. 11 Maniwala kayo sa akin; ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko. 12 Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama. 13 At anumang hilingin ninyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. 14 Kung hihiling kayo ng anuman sa aking pangalan, ito ay aking gagawin.
27-Linggo 28-Lunes 29-Martes 30-Miyerkules 01-Huwebes 02-Biyernes 03-Sabado