(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 10 Agosto 2014.)
Alam n'yo ba 'yung pakiramdam na parang hindi ka makahinga sa sobrang dami ng problema? Sa sobrang dami ng stress? Na hindi mo na alam kung ano ang dapat mong gawin? Na gusto mo mang magreklamo ay hindi mo naman alam kung kanino ka magsasabi? Pakiramdam mo nalulunod ka sa problema? Na nalulunod ka sa buhay?
Kaya’t lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig, palapit kay Hesus. Ngunit nang mapansin niya ang hangin, siya’y natakot at nagsimulang lumubog. “Sagipin ninyo ako, Panginoon!” sigaw niya. Agad siyang inabot ni Hesus. “Napakaliit ng iyong pananalig!” sabi niya kay Pedro. “Bakit ka nag-alinlangan?” (Mateo 14:29-31)