02 - 08 Marso 2014

02-Linggo 03-Lunes 04-Martes 05-Miyerkules 06-Huwebes 07-Biyernes 08-Sabado


02 Marso 2014
Ikawalong Linggo Sa Karaniwang Panahon
( Unang Pagbasa: Isaias 49:14-15; Salmo: Awit 62:2-3. 6-7. 8-9Ikalawang Pagbasa: 1 Corinto 4:1-5Mabuting Balita: Mateo 6:24-34 )
I-click dito para sa Gospel Reflection.

"Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan." (Mateo 6:33)

_________________________________________

03 Marso 2014
Pagbasa: 1 Pedro 1:3-9; Salmo: Awit 111:1-10
Mabuting Balita: Marcos 10:17-27

17 Nang siya'y paalis na, may isang lalaking patakbong lumapit kay Jesus, lumuhod sa harapan niya at nagtanong, "Mabuting Guro, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?"

18 Sumagot si Jesus, "Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. 19 Alam mo ang mga utos ng Diyos, 'Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang sasaksi nang walang katotohanan; huwag kang mandaraya; igalang mo ang iyong ama at ina.' "

20 Sumagot ang lalaki, "Guro, mula pa po sa aking pagkabata ay tinutupad ko na ang mga iyan."

21 Magiliw siyang tiningnan ni Jesus at sinabi, "May isang bagay pa na dapat mong gawin. Ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga mahihirap ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin." 22 Nang marinig ito ng lalaki, siya'y nanlumo at malungkot na umalis sapagkat siya'y lubhang napakayaman.

23 Pinagmasdan ni Jesus ang mga nasa paligid niya at sinabi sa mga alagad, "Tunay ngang napakahirap para sa mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos!" 24 Nagtaka ang mga alagad sa sinabi niyang ito. Ngunit muling sinabi ni Jesus, "Mga anak, talagang napakahirap b makapasok sa kaharian ng Diyos! 25 Mas madali pang dumaan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa isang mayaman na mapabilang sa kaharian ng Diyos."

26 Lalong nagtaka ang mga alagad, kaya't nagtanong sila, "Kung gayon, sino pa kaya ang maliligtas?"

27 Tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, "Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos."

04 Marso 2014
Pagbasa: 1 Pedro 1:10-16; Salmo: Awit 98:1-4
Mabuting Balita: Marcos 10:28-31

28 At nagsalita si Pedro, "Tingnan po ninyo, iniwan na namin ang lahat at kami'y sumunod sa inyo."

29 Sumagot si Jesus, "Tandaan ninyo: ang sinumang nag-iwan ng kanyang tahanan, o mga kapatid, mga magulang, mga anak, mga lupain, dahil sa akin at sa Magandang Balita, 30 ay tatanggap sa buhay na ito ng isandaang ulit pa ng mga iyon; mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupain, ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa panahong darating, magtatamo siya ng buhay na walang hanggan. 31 Ngunit maraming nauuna na mahuhuli, at maraming nahuhuli ang mauuna."

_________________________________________


05 Marso 2014
Miyerkules ng Abo
I-click dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa. 
( Unang Pagbasa: Joel 2:12-18; Salmo: Awit 51:3-6. 12-14. 17Ikalawang Pagbasa: 2 Corinto 5:20-6:2Mabuting Balita: Mateo 6:1-6. 16-18 )
I-click dito para sa Gospel Reflection. (hindi pa naka-post)

"Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit." (Mateo 6:1)

_________________________________________

06 Marso 2014
Pagbasa: Deutoronomio 30:15-20; Salmo: Awit 1:1-6
Mabuting Balita: Lucas 9:22-25

22 Sinabi pa niya sa kanila, "Ang Anak ng Tao'y dapat magdanas ng matinding hirap. Itatakwil siya ng mga pinuno ng bayan, ng mga punong pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. Siya ay ipapapatay nila ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang bubuhayin ng Diyos."

23 At sinabi niya sa kanilang lahat, "Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin. 24 Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito. 25 Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang mapapahamak naman ay ang kanyang sarili.

07 Marso 2014
Pagbasa: Isaias 58:1-9; Salmo: Awit 51:3-19
Mabuting Balita: Mateo 9:14-15

14 Lumapit kay Jesus ang mga alagad ni Juan na Tagapagbautismo, at siya'y tinanong, "Kami po ay madalas mag-ayuno, gayundin ang mga Pariseo, ngunit bakit hindi po nag-aayuno ang inyong mga alagad?" 15 Sumagot siya, "Dapat bang malungkot ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na ito, saka pa lamang sila mag-aayuno.

08 Marso 2014
Pagbasa: Isaias 58:9-14; Salmo: Awit 86:1-6
Mabuting Balita: Lucas 5:27-32

27 Pagkatapos nito'y lumabas si Jesus at nakita niya si Levi, isang maniningil ng buwis, na nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi sa kanya ni Jesus, "Sumunod ka sa akin." 28 Tumayo nga si Levi, iniwan ang lahat, at sumunod at naglingkod kay Jesus.

29 Si Jesus ay hinandugan ni Levi ng isang malaking handaan sa kanyang bahay. Kasalo niya roon ang maraming maniningil ng buwis at iba pang mga tao. 30 Kaya't nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga kasamahan nilang tagapagturo ng Kautusan. Sinabi nila sa mga alagad ni Jesus, "Bakit kayo kumakain at umiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?"

31 Sinagot sila ni Jesus, "Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. 32 Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan upang sila'y magsisi."

02-Linggo 03-Lunes 04-Martes 05-Miyerkules 06-Huwebes 07-Biyernes 08-Sabado

Mga kasulyap-sulyap ngayon: