Hanapan ang Blog na Ito

Post/s Para sa Linggo

Post/s Para sa Susunod na Linggo

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na paglilimos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na paglilimos. Ipakita ang lahat ng mga post

18 Pebrero 2026

Miyerkules ng Abo 
Ebanghelyo At Mga Pagbasa

“Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang makaaalam nito. Siya na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang gaganti sa iyo.” (Mateo 6:18)

Unang Pagbasa: Joel 2:12-18

Sinasabi ngayon ng Panginoon: “Mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin, kayo’y mag-ayuno, manangis at magdalamhati. Magsisi kayo nang taos sa puso, hindi pakitang tao lamang.” 

Magbalik loob kayo sa Panginoon na inyong Diyos. Siya’y may magandang loob at puspos ng awa, mapagpahinuhod at tapat sa kanyang pangako; laging handang magpatawad at hindi magpaparusa. Maaaring lingapin kayo ng Panginoon at bigyan ng masaganang ani. Kung magkagayon, mahahandugan natin siya ng haing butil at alak. Ang trumpeta ay hipan ninyo, sa ibabaw ng Bundok ng Sion; iniutos ninyo na mag-ayuno ang lahat. 

Tawagin ninyo ang mga tao para sa isang banal na pagtitipon. Tipunin ninyo ang lahat, matatanda’t bata, pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal. Mga saserdote, kayo’y tumayo sa pagitan ng pasukan at ng dambana, manangis kayo’t manalangin nang ganito: “Mahabag ka sa iyong bayan, O Panginoon. Huwag mong tulutang kami’y hamaki’t pagtawanan ng ibang mga bansa at tanungin, ‘Nasaan ang inyong Diyos?’ ” Pagkaraan, ipinamalas ng Panginoon na siya’y nagmamalasakit sa kanyang bayan.

Salmo: Awit 50 

Tugon: Poon, iyong kaawaan 
            kaming sa ’yo’y nagsisuway.

 Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos, 
sang-ayon sa iyong kagandahang-loob; 
mga kasalanan ko’y iyong pawiin, 
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin! 
Linisin mo sana ang aking karumhan 
at ipatawad mo yaring kasalanan! 

Ang pagsalansang ko ay kinikilala, 
laging nasa isip ko at alaala. 
Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, 
at ang nagawa ko’y di mo nagustuhan. 

Isang pusong tapat sa aki’y likhain, 
bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. 
Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin; 
ang Espiritu mo ang papaghariin. 

Ang galak na dulot ng ’yong pagliligtas, 
ibalik at ako ay gawin mong tapat. 
Turuan mo akong makapagsalita, 
at pupurihin ka sa gitna ng madla. 

Ikalawang Pagbasa: 2 Corinto 5:20. 6:2

Mga kapatid, ako’y sugo ni Kristo; parang ang Diyos na rin ang namamanhik sa inyo sa pamamagitan ko: makipagkasundo kayo sa Diyos. Hindi nagkasala si Kristo, ngunit dahil sa atin, siya’y ibinilang na makasalanan upang makipag-isa tayo sa kanya at mapabanal sa harapan ng Diyos sa pamamagitan niya. 

Yamang kami’y mga katulong sa gawain ng Diyos, ipinamamanhik namin sa inyo na huwag ninyong sayangin ang pagkakataong ibinibigay sa atin ng Diyos. Sapagkat sinasabi niya: “Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita, sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.”

Tingnan ninyo! Ngayon na ang panahong nararapat! Ngayon ang araw ng pagliligtas!

Mabuting Balita: Mateo 6:1-6. 16-18

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Pag-ingatan ninyo na huwag maging pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Amang nasa langit. 

“Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipagmakaingay ito, katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw doon sa sinagoga at sa mga lansangan. Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito kahit sa iyong pinakamatalik na kaibigan upang malihim ang iyong paglilimos. At gagantihan ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim. 

“At kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagpaimbabaw. Mahilig silang manalangin nang patayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang daan, upang makita ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihan ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim. 

“Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mga mapagpaimbabaw. Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na sila’y nag-aayuno. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kapag ikaw ay nag-aayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang makaaalam nito. Siya na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang gaganti sa iyo.” 


Gospel Reflection

Personalan

"Trabaho lang ito, walang personalan!"

Marami sa ating mga Katoliko ngayon ay hanggang dito lang ang relasyon sa Diyos at kapwa-tao. Walang personalan. Magsisimba o magdadasal para matupad lang ang obligasyon. Mag-aayuno o magsasakripisyo para lang makabawas ng kasalanan. Maglilimos o magbibigay sa kapwa para lang masabing nagbigay.

Ang lahat ay nasa panlabas. Manhid. Walang pakiramdam. 

Ang hamon sa atin ngayong Miyerkules ng Abo, bilang pagsisimula ng Kuwaresma, ay gawing personal at mas malalim ang lahat. Magdasal tayo bilang pagpapalalim ng ating personal na relasyon sa ating Diyos. Siya ay isang Amang matiyagang naghihintay sa ating pagbabalik (Lucas 15:11-32), isang tapat na kaibigan (Juan 15:15), isang Diyos na hindi nakalilimot (Isaias 49).

Mag-ayuno dahil nais nating makihati sa paghihirap ni Hesus sa krus at sa paghihirap ng ating kapwa. Naging biktima ng matinding injustice si Hesus, marami ngayon ang mga katulad Niya. Hindi lang natin sila nakikita dahil sa ating masyadong pagiging abala. Marami  rin sa atin ang pinili na lang na ipikit ang mga mata at tanggapin ang lahat dahil iyon ang komportableng gawin.

Kasabay nito ay ang pagtaya natin sa ating pamumuhay. Ang pagbabawas sa lahat ng sobra at pagdadagdag sa mga kulang. Mula roon, habang pinagninilayan natin ang Pasyon ni HesuKristo, pinalalalim natin ang ating pandama sa tawag at kalooban ng Diyos.

Magbigay sa ating kapwa upang ibahagi sa kanila ang pag-ibig ng Diyos. Pagmamahal ang dahilan ng pagbibigay na ito. Hindi obligasyon lang o palabas. Iparating natin sa kanilang higit na kapos na hindi sila totoong nalimot ng Diyos. Ipinaaabot ng Diyos ang Kanyang pagkalinga sa pamamagitan ng mga makasalanan ding tulad nila.

Ang Kuwaresma ay higit sa ipinahid na abo sa ating noo, o sa layo ng nilakad natin sa Visita Iglesia, sa Via Crusis at sa mga prusisyon, o sa itinagal natin o sa bilang ng rosaryong na-recite natin sa mga vigil.  Ang esensya ng Kuwaresma ay ang pagsisikap nating tuparin ang dalawang pinakadakilang utos:

"Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.  Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang katuruan ng mga propeta." (Mateo 22:37-40)

Sapagkat ang Kuwaresmang sisimulan natin sa Miyerkules ng Abo ay hindi lamang bahagi ng "trabaho" natin bilang mga Katoliko kundi isang "personal" na pangyayaring dapat na nag-uugat sa ating pusong nakikipagniig sa ating Diyos-- sa ating Amang nagkaloob ng Kanyang Bugtong na Anak bilang Korderong namatay sa Krus  at muling nabuhay para sa ating kaligtasan. 

Ang pag-ibig sa Diyos at sa ating kapwa ay personalan at hindi trabaho lang.


Panalangin:

O aming Amang palaging nagpupuno sa aming mga pagkukulang, purihin ang Iyong Ngalan. Dakilain ang Iyong mga ginawa upang sagipin kami mula sa kamatayang dulot ng aming mga kasalanan. 

Sinisimulan po namin ang aming personal na paghahanda para sa aming muling pag-alaala sa Misteryo Paskwal ng Iyong Anak na si HesuKristo, loobin po Ninyong lalo kaming makalapit sa Inyo. Ipadala po Ninyo sa amin ang Iyong Banal na Espiritung aming Gabay at Tagapagpabanal.

Gamitin Mo po kaming mga kasangkapan ng Iyong pag-ibig. Maunawaan din po sana naming hindi kami nilikha para lamang sa aming sariling kapakanan. Makita po nawa namin sa aming kapwa ang Iyong Anak at maisabuhay namin ang katotohanang ginagawa namin sa Inyo ang anumang gawin namin para sa mga salat sa materyal na bagay, atensyon at pag-ibig. 

Buhat sa kaibuturan ng aming mga puso, ipinapahayag naming si Hesus ang Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. Siya ay kasama Mo na buhat pa ng una, nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinako sa krus, namatay, inilibing, muling nabuhay at umakyat sa langit para sa amin. Ngayo'y naluluklok Siya kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.

Miyerkules ng Abo - 22 Pebrero 2023



“Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang makaaalam nito. Siya na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang gaganti sa iyo.” (Mateo 6:18)

Personalan

Gospel Reflection

Miyerkules ng Abo
22 Pebrero 2023
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa. 


(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 13 Pebrero 2013.)


"Trabaho lang ito, walang personalan!"

Marami sa ating mga Katoliko ngayon ay hanggang dito lang ang relasyon sa Diyos at kapwa-tao. Walang personalan. Magsisimba o magdadasal para matupad lang ang obligasyon. Mag-aayuno o magsasakripisyo para lang makabawas ng kasalanan. Maglilimos o magbibigay sa kapwa para lang masabing nagbigay.

Miyerkules ng Abo - 02 Marso 2022

 Ebanghelyo At Mga Pagbasa



“Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang makaaalam nito. Siya na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang gaganti sa iyo.” (Mateo 6:18)

Miyerkules ng Abo - 26 Pebrero 2020



“Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang makaaalam nito. Siya na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang gaganti sa iyo.” (Mateo 6:18)

Miyerkules ng Abo - 01 Marso 2017



“Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang makaaalam nito. Siya na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang gaganti sa iyo.” (Mateo 6:18)

Miyerkules ng Abo - 05 Marso 2014



Unang Pagbasa: Joel 2:12-18

12 "Gayunman," sabi ni Yahweh,
"mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin;
mag-ayuno kayo, manangis at magdalamhati.

13 Magsisi kayo nang taos sa puso,
at hindi pakitang-tao lamang."
Magbalik-loob kayo kay Yahweh na inyong Diyos!
Siya'y mahabagin at mapagmahal,
hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig;
laging handang magpatawad at hindi nagpaparusa sa nagsisisi.

14 Maaaring lingapin kayong muli ni Yahweh na inyong Diyos
at bigyan kayo ng masaganang ani.
Kung magkagayon,
mahahandugan ninyo siya ng handog na pagkaing butil at alak.

15 Hipan ninyo ang trumpeta sa ibabaw ng Bundok ng Zion!
Tipunin ninyo ang mga tao at ipag-utos ninyo na mag-ayuno ang lahat!

16 Tawagin ninyo ang mga tao
para sa isang banal na pagtitipon.
Tipunin ninyo ang lahat, matatanda at bata,
pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal.

17 Mga pari, tumayo kayo
sa pagitan ng altar at ng pasukan ng Templo,
manangis kayo't manalangin nang ganito:
"Mahabag ka sa iyong bayan, O Yahweh!
Huwag mong hayaang kami'y hamakin at pagtawanan ng ibang mga bansa
at tanungin, 'Nasaan ang inyong Diyos?'"

18 Pagkatapos, ipinakita niya ang malasakit niya sa lupain,
at naawa siya sa kanyang bayan.

Salmo: Awit 51:3-6. 12-14. 17

3 Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang- loob;
mga kasalanan ko'y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!

4 Linisin mo sana ang aking karumhan,
at patawarin mo'ng aking kasalanan!

5 Mga pagkakasala ko'y kinikilala,
di ko malilimutan, laging alaala.

6 Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,
at ang ginawa ko'y di mo kinalugdan;
kaya may katuwiran ka na ako'y hatulan,
marapat na ako'y iyong parusahan.

12 Isang pusong tapat sa aki'y likhain,
bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.

13 Sa iyong harapa'y huwag akong alisin;
iyong banal na Espiritu'y paghariin.

14 Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas,
ibalik at ako po'y gawin mong tapat.

17 Tulungan mo akong makapagsalita,
at pupurihin ka sa gitna ng madla.

Ikalawang Pagbasa: 2 Corinto 5:20-6:2

20 Kaya nga, kami'y mga sugo ni Cristo; ang Diyos mismo ang nakikiusap sa inyo sa pamamagitan namin. Kami'y nakikiusap sa inyo alang-alang kay Cristo; hayaan ninyong maging kaibigan kayo ng Diyos. 21 Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.

1 Yamang kami'y mga katulong sa gawain ng Diyos, nakikiusap kami sa inyo na huwag ninyong sayangin ang kagandahang-loob na ibinibigay sa inyo ng Diyos. 2 Sapagkat sinasabi niya,

"Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita,
sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita."

Ngayon na ang panahong nararapat! Ito na ang araw ng pagliligtas!

Mabuting Balita: Mateo 6:1-6. 16-18

1 "Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit.

2 "Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari. Naglilimos sila sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y mapuri ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 3 Sa halip, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito sa pinakamatalik mong kaibigan. 4 Gawin mong lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo."

5 "Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari. Mahilig silang manalanging nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto upang makita ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 6 Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo sa lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala.

16 "Kapag kayo'y nag-aayuno, huwag kayong magmukhang malungkot tulad ng mga mapagkunwari. Hindi sila nag-aayos ng sarili upang mapansin ng mga tao na sila'y nag- aayuno. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 17 Sa halip, kapag nag-aayuno ka, maghilamos ka, lagyan mo ng langis at ayusin mo ang iyong buhok 18 upang huwag mapansin ng mga tao na ikaw ay nag-aayuno. Ang iyong Ama na hindi mo nakikita ang tanging makakaalam nito. Siya, na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim, ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo."

Post/s ng Nakaraang Linggo

Looking for Catholic Devotional Apps?